^

Pang Movies

Lian, atat nang maging ‘malaya’ kay Paolo

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Lian, atat nang maging �malaya� kay Paolo

Gustuhin man ng dating EB Babes member at ex-wife ng actor-comedian na si Paolo Contis na si Lian Paz na pakasalan ang kanyang longtime partner at fiancé na si John Cabahug ay hindi niya magawa dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin annulled ang kanilang kasal .

Ang Cebu-based cager at business na si John Cabahug ang tumatayong father figure ng dalawang anak nina Lian at Paolo na sina Xalene (12) at Xonia (11).  May isa na ring anak sina Lian at John na si Nina habang ay isang anak din si John sa dati nitong nakarelasyon, si Maria Alexandra or Lexi.

Although walang blood relations si Lexi kina Xalene at Xonia, close sila at parang tunay na magkakapatid ang kanilang turingan. Half sister naman nila ang kanilang half sister na si Nina.

Magmula nang magkahiwalay sina Lian at Paolo nung 2012, si John na ang umako ng responsibilidad ng actor sa kanyang mga anak.

Tulad ni Lian, hiwalay na rin si Paolo sa Kapuso actress na si LJ Reyes kung kanino rin may isang anak ang actor, ang three-year-old na si Summer Ayanna na bitbit ng Kapuso actress sa New York City, USA kasama ang kanyang panganay na anak sa actor na si Paulo Avelino na si Aki (Ethan Akio).

Ayon sa isang panayam kay LJ, pera at third party umano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Paolo na may bagong karelasyon ngayon, ang aktres na si Yen Santos.

 Samantala, tila bukas na sa publiko ang relasyon nina Paolo at Yen dahil matapos mamataan ang dalawa sa Pangasinan at sa Baguio nung isang taon, kamakailan lamang ay namataan ang dalawa na magka-holding hands habang naglalakad sa Rockwell Mall in Makati City. Isang netizen ang nag-upload ng video at litrato ng dalawa.

Samantala, dahil wala umanong nangyayari sa annulment case filed by Paolo’s lawyer, gusto ni Lian na siya na ang mag-asikaso nito dahil gusto niya umano ng freedom.

Hanggang ngayon ay bitbit pa rin ni Lian ang family name ni Paolo sa legal documents niya kahit 10 taon na silang hiwalay dahil ‘di pa annulled ang kanilang marriage.

Ang dating mag-asawa ay ikinasal sa isang civil wedding ceremony sa Cauayan, Isabela nung July 2009 pero ito’y nauwi sa hiwalayan nung 2012.

Hangga’t hindi naa-annul ang kasal nina Paolo at Lian, hindi rin maisasakatuparan ang planong pagpapakasal nina Lian and her longtime partner at fiancé na si John Cabahug.

Matagal na rin umanong hindi nakikita ni Paolo ang kanyang dalawang anak sa kanyang ex-wife.

American singer-songwriter Keith Martin, hinihintay pa ang resulta ng autopsy

As of this writing ay hinihintay pa ang autopsy result na may kinalaman sa pagkamatay ng American singer-songwriter and record producer na nagpasikat ng awiting Because of You na si Keith Martin (55) na natagpuang ilang araw nang walang buhay sa kanyang tinutuluyang condominium unit in Eastwood, Libis, Quezon City nung nakaraang Biyernes, March 25.

Although sinabi ng mga imbestigador ng Quezon City Police Department na mukha namang walang foul play sa pagkamatay ng singer-songwriter, gusto lamang umano nilang makasigurado kaya hinihintay nila ang resulta ng autopsiya.

Sa kabila ng kanyang music career sa America, nagdesisyon siyang sa Pilipinas na mamirmihan dahil na rin sa kanyang longtime partner na isang Filipina kung kanino siya may 14-year-old son. Nagustuhan na rin ni Keith ang Pilipinas at marami siyang naging kaibigan na mga kilalang Filipino singers and composers.

In 2004, muling ni-record ng R&B singer-songwriter na si Kyla ang Because of You hit song ni Keith kaya isa rin si Kyla sa mga nabigla sa maagang pagpanaw ng American singer-songwriter.

Ipinaalam na rin sa pamilya ni Keith sa Amerika ang pagpanaw ng singer-songwriter mating sa US Embassy sa Pilipinas at hinihintay na lamang ang magiging final arrangement  for Keith ngayon lumantad na rin ang ex-partner nitong si Diana Soto Dayao at anak nila.

Isa ang singer-actress na si Sheree Bautista sa close friends ng yumao ang nagsabi na sobra umano itong naapektuhan sa paghihiwalay nila ng kanyang ex-partner.

 

vuukle comment

LIAN PAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with