^

Pang Movies

Cast ng Iskandalo, naalarma sa mga namimirata ng malalaswang eksena

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Cast ng Iskandalo, naalarma sa mga namimirata ng malalaswang eksena

Simula ngayong April 10, 2022 ay matutunghayan na ang 10-part original erotic-thriller series on Vivamax na pinamagatang Iskandalo na tinatampukan ng Vivamax stars na sina Cindy Miranda, AJ Raval, Jay Manalo, Sean de Guzman, Ayanna Misola, Jamilla Obispo, Pio Balbuena, Joonee Gamboa, Francis Mangundayao at iba pa. Ito’y mula sa direksyon ng isa sa favorite directors ng Vivamax na si Roman Perez, Jr. na siya ring nagdirek kina Cindy at Rhen Escaño sa kanilang launching movie na Adan in 2019. Si Direk Roman din ang nagdirek kina Cindy at AJ sa pelikulang House Tour at iba pang Vivamax originals tulad ng Siklo at iba pa.

At the Zoom presscon ng Iskandalo, ipinahayag ng bumubuo ng cast at maging si Direk Roman ang kanilang pagkadismaya dahil sa ginagawang pamimirata ng ibang tao para kumita lamang. Hindi man nila pinipirata ang buong pelikula, kinukuha nila ang sensitive parts of the movie at ia-upload sa sarili nilang sites and social media accounts for their personal interests. Bukod sa pinagkakakitaan sila ng ibang tao, sinisira ng mga ito ang kredibilidad, personalidad at pagkatao ng mga artistang involved.

Samantala, aminado ang buong cast na while they’re happy na sila’y napapanood sa Vivamax streaming platform, umaasa rin sila na soon may mapapanood din sila sa big screen ngayong bukas na ang mga sinehan nationwide.

Aubrey at Troy, matagal naudlot ang kasal

Nasa Boracay ang long-time partners na sina Aubrey Miles at Troy Montero para doon i-celebrate ang ika-42nd birthday ng actress-entrepreneur nung nakaraang March 16. Walang kaalam-alam ang dating sexy star na nakakasa na pala ang proposal plan ng Fil-Am actor-entrepreneur.

Sa aming exclusive na panayam sa couple, inamin ng dalawa na matagal na nilang plinano ang pagpapakasal pero parati umano itong nauurong. Mas nauna pa ang pagkakaroon nila ng dalawang anak na sina Hunter at Rocket. Nariyan pa ang 21-year-old son ni Aubrey na si Maurice sa dati nitong nakarelasyon na si JP Obligacion.

Mahigit 18 years din ang hinintay nina Troy at Aubrey bago naisakatuparan ang kanilang engagement at kasunod na rito ang plano nilang pagpapakasal.

Kung ang ibang couples ay tumatagal lamang ng ilang taon ang pagsasama, kakaiba naman sina Troy at Aubrey na hinintay pang umabot ng mahigit 18 years bago nila naisipang i-legalize ang kanilang relasyon. “More than us, para na rin sa mga bata,” pahayag ni Aubrey.

Dimples at Angelica, parang pinag-usapan ang pagbubuntis

Masaya ang mga kaibigan nina Angelica Panganiban at Dimples Romana na parehong nagdadalang-tao ngayon ang dalawa.

Ipinagbubuntis ngayon ng Kapamilya star na si Angelica ang kanyang magiging unang baby sa kanyang non-showbiz Australian businessman boyfriend na si Gregg Homan habang si Dimples naman ay heavy ngayon sa pangatlong anak nila ng kanyang non-showbiz husband na si Boyet Ahmee.

Eighteen years old na ang panganay ni Dimples na si Callie habang seven naman ang kanyang pangalawa at bunsong anak na si Alonzo. Pitong taon ang hinintay ni Dimples at ng kanyang msiter na si Boyet para sa kanilang pangatlong supling.

vuukle comment

VIVAMAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with