^

Pang Movies

Pops, Martin at Zsa Zsa, tahimik sa break up ng mga anak

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Tahimik lamang ang kampo nina Pops Fernandez at Martin Nievera maging ni Zsa Zsa Padilla sa paghihiwalay ng kanilang mga anak na sina Robin Nievera at Zia Quizon.

Matagal-tagal ding naging magkasintahan sina Robin at Zia na inakala ng marami na mauuwi sa kasalanan. But just like any other couples, nauwi sa hiwalayan ang relasyon ng dalawa.

Ang panganay ng dating mag-asawang Martin at Pops na si Robin ay naka-base ngayon sa Los Angeles, California, USA habang nasa Pilipinas naman si Zia na may bago na umanong dini-date.

Although 35 na si Robin, mukhang wala pa rin sa immediate plans nito ang pag-aasawa.

Nasa Las Vegas, Nevada naman ang nakababatang kapatid ni Robin na si Ram Nievera.

Francine, solo na!

Ang suwerte ng ex-PBB housemate na si KD Estrada (19) dahil dalawang iWant TFC original series kaagad ang ipinagkatiwala sa kanya ng Dreamscape Entertainment, ang Bola Bola kung saan isa siya sa tatlong bagong leading men ni Francine Diaz at ang Run to Me na first team-up naman nila ng kanyang rumored girlfriend at ex-PBB housemate na si Alexa Ilacad.

Ang Bola Bola ay first solo project ni Francine without the other members ng Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin habang ang Run to Me ay unang team-up ng bagong magka-loveteam na sina KD at Alexa na ang pagkakaibigan ay nabuo sa loob ng PBB house.

Kung ang tambalan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ay kinunsider na break-out loveteam nung isang taon dahil sa iWant TFC series na He’s Into Her na sinundan ng kanilang digital movie na Love is Color Blind, inaasahan naman ang pagsikat nang husto ng tambalan nina KD at Alexa sa taong ito.

Music ang common denominator nina KD at Alexa na ang amang si Guy Ilacad ay nakababatang kapatid ng OctoArts big boss na si Boss Orly Ilacad.

Kaya na nga ni Francine Diaz mag-solo nang hindi umaasa sa kanyang mga dating kasamahan sa Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin.

Sa kanyang kauna-unahang solo project, ang iWant TFC original series na Bola Bola na pinamahalaan ni JP Habac under Dreamscape Entertainment, tatlong baguhang young leading men ang kanyang katrabaho, sina KD Estrada, Akira Morishita ng BGYO at si Ashton Salvador.

Hinahanapan marahil si Francine ng bagong makakatambal na kakagatin ng mga manonood. Malabong maging team-up sila ni KD dahil meron na itong Alexa Ilacad kaya malamang na sa iba siya ipareha.

Trabaho ni Kit, apektado ng kaso

Nakalaya na sa pagkaka-detain sa Tagaytay Police Station ang 25-year-old actor na si Kit Thompson last Monday, March 21, matapos itong makapaglagak ng bail dahil sa kanyang ginawang pisikal na pananakit sa kanyang sexy actress girlfriend na si Ana Jalandoni habang sila’y naka-check-in sa isang hotel in Tagaytay nung nakaraang Huwebes, March 17.

Desidido umano si Ana na sampahan ng kaso ang kanyang boyfriend na nanakit sa kanya.

Samantala, kung hindi magbabago, si Kit ay kasama sa bagong drama series nina Piolo Pascual at Lovi Poe, ang Flower of Evil, isang local remake ng K-drama series of same title.

vuukle comment

POPS FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with