^

Pang Movies

Jinkee, nagbebenta ng pre-loved branded bags

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Jinkee, nagbebenta ng pre-loved branded bags

Ang mamahal ng ibinebentang branded bags ni Jinkee Pacquiao from her bag collection.

Heto ang examples ng mga ibi­nebentang bags ni Jinkee: Lady Dior bag in white- P325,000

Prada wicker and canvass tote bag- P55,000

Dior slides- P35,000

Gucci GG Supreme monogram pierced heart-embroidered medium Dionysus

Shoulder bag- P28,000

Gucci horsebit loafers- P28,000

Hermes Evelyn bag- P195,000

Concerned ang netizens kung may naiwan pang bags si Jinkee para ipamana sa dalawa niyang anak na babae. Baka raw ibebenta lahat ni Jinkee ang bag collection niya. Curious din ang netizens kung magkano ang original price ng bags nang bilhin ni Jinkee dahil tiyak na binabaan niya ng konti ang presyo.

Ang maganda lang, part ng sale ng bags ay ido-donate ni Jinkee sa naapektuhan ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

Marian at Jennylyn, excited maging magkumare

Magiging magkumare pala sina Marian Rivera at Jennylyn Mercado dahil isa si Marian sa magi­ging ninang ng baby girl nina Jennylyn at Dennis Trillo.

Nalaman ang tungkol dito sa short convo ng dalawang aktres sa Instagram post ni Jennylyn na nagsu-swimming siya on her 30th week of pregnancy.

Isa kasi si Marian sa mga nag-comment sa post na ‘yun ni Jennylyn at sabi ni Marian, “Awww excited na ako makita ka inaanak ko stay safe mare” na sinagot ni Jennylyn ng “@marianrivera thanks Mare.”

Hindi na namin matandaan kung paano nagsimulang maging close sina Jennylyn at Marian, pero parang dahil sa Descendants of the Sun na pinagtambalan nina Jennylyn at Dingdong Dantes. Natatandaan namin na kay Jennylyn idinadaan ni Marian ang pagpapaalala kay Dennis sa isang personal na bagay na ‘wag na nating uriratin pa at hindi naman tayo involved.

Anak ni Anne, sinabay ang binyag sa 2nd birthday

Isinabay pala sa second birthday ni Dahlia ang kanyang binyag, kaya double celebration ang nangyari. May post si Anne Curtis ng photo na karga si Dahlia at may caption na “Yesterday we celebrated the 2nd birthday of our dearest Dahlia Amelie and welcomed her to the Christian world. We pray that the Lord and His angels will always protect and guide her as she grows up. On t’aime tellement notre petite fleur.”

Dahil two years old na si Dahlia, mag-a-active na sa showbiz si Anne na magsisimula sa kanyang documentary concert billed LuvAnne The Comeback sa April 30 na ito.

Sa interview kay Anne ng Lifestyle Asia, may nabanggit tungkol sa kanyang concert and what to expect. “There are performances and it will show a little bit of what happened while I was away. So that’s the kickoff of my comeback. Two years have gone pretty quickly and Dahlia’s now pretty grown. She understands and soon enough, she’ll be doing her own little classes.”

vuukle comment

JINKEE PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with