^

Pang Movies

Assunta, nami-miss ang ‘first love’

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Assunta, nami-miss ang �first love�

More than one-year-old na ang itinuturing na ‘mirable baby’ ng mag-asawang Jules Ledesma (60)  at Assunta de Rossi (Assunta Tiotangco Schiavone-Ledesma) – (39) na si Giulia Fiorentina Alessandra Schiavone Ledesma or Baby Fiore na dumating sa kanilang buhay after almost two decades.

Hindi ikinaila ng actress na si Assunta that they even resorted to IVF (in vitro fertilization) procedure but was unsuccessful sa pagnanais nilang magkaroon ng sariling anak. Pero hindi umano sila huminto sa pagdarasal until in May 2020 ay ibinalita niya sa kanyang Instagram account that she was finally pregnant for the first time sa kabila ng kanyang pagkakaroon ng myoma at endometriosis.

Ang businessman at dating politician na si Jules ay may dalawang anak sa kanyang nasirang unang asawa (Maria Victoria Tsung Pek) na sina Cristina Carlos at Julio Carlos V. na parehong natuwa sa pagkakaroon nila ng baby sister kahit pareho na silang malalaki na.

Maganda ang relasyon ni Assunta sa kanyang dalawang step-children.

Although ini-enjoy ni Assunta si Baby Fiore, hindi nito ikinakaila na sobra umano niyang nami-miss ang acting na siya niyang first love.

LA, pasok sa Darna

Although singing ang first love ng singer-record producer-turned actor na si LA Santos, hindi nito ikinakaila na sobra rin umano siyang nag-i-enjoy sa kanyang trabaho bilang actor.

Si LA ay kasama sa all-star cast ng true-to-life movie na Mamasapano na pinangungunahan ni Edu Manzano na magkatulong na pinamahalaan nina Lawrence Fajardo at Lester Dimaranan under Borracho Films ng bagong film producer na si Atty. Ferdie Topacio. Kasama rin ang young singer-actor sa upcoming iconic action-fantasy-adventure TV series ng ABS-CBN, ang Darna: The TV series na pinagbibidahan ni Jane de Leon (playing the title role) with veteran and award-winning director na si Chito Roño ang director.

Inamin ng binata na anak ng successful businesswoman at concert producer na si Flor Santos na sobra umano niyang ini-enjoy ang larangan ng pag-arte na sobrang kakaiba sa singing. “Pero ang maganda, complementary ang singing at acting na parehong form of art,” pahayag ng 22-year-old singer-actor na si LA.

Kung pamimiliin si LA kung alin sa singing ang acting ang kanyang papaboran, ayaw umano niyang mamili dahil pareho niyang mahal at gustong gawin.

Prince Charles, dalawang beses na-COVID

Alam mo ba, Salve A., na walang pinipili ang sakit na COVID-19? Ultimo ang Queen of England na si Queen Elizabeth II (95) ay kinapitan din ng deadly disease habang ang kanyang panganay na anak na si Prince Charles, Prince of Wales at magiging susunod na hari ng England ay hindi rin naligtas dahil dalawang beses siyang kinapitan ng deadly virus, una nung March 2020 nung kasagsagan ng pandemya at pangalawa recently lamang. Pero ang magandang balita, pareho itong nalusutan ng mag-inang Queen Elizabeth II at Prince Charles.

Si Queen Elizabeth II ay magna-ninety-six years old na sa darating na April 21. Pero hanggang ngayon ay aktibo pa rin ito sa kanyang functions bilang British Queen. Si Prince Charles naman ay 73 years old na. Siya ang ama nina Prince William, Duke of Cambridge at Prince Harry, Duke of Sussex.

vuukle comment

ASSUNTA DE ROSSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with