^

Pang Movies

Dingdong, hindi pinatulan ang pang-iintriga sa halikan nila ni Beauty

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

“Luma” para kay Dingdong Dantes ang tanong sa kanya sa mediacon ng I Can See You: AlterNate kung paano nila nagawa ni Beauty Gonzalez ang kissing scene nila sa mini-series. Sinagot pa rin niya ang tanong ng “because of teamwork” at ganito rin ang sagot niya sa tanong gaya kung paano niya nagawa ang mahihirap niyang eksena dahil gumanap siyang dual role.

Mas nag-focus si Dingdong na pag-usapan ang challenges na hinarap niya in portraying Nate and Michael dahil times two ang preparations, dalawang beses siyang kinukunan at dalawang set ng dialogue ang kailangan niyang aralin. Again, sinabi nito na nagawa niya ang lahat ng ito dahil sa teamwork and of course, si director Dominic  Zapata.

Outside of the production ng AlterNate, pinasalamatan ni Dingdong ang asawang si Marian Rivera sa suporta nito sa kanya. Thirty days nga naman siyang wala sa bahay at si Marian ang nag-alaga sa mga anak nilang sina Zia at Sixto.

“First time ko sa lock-in taping and to be away from my family for 30 days at malaki ang tulong ni Marian para magawa ko ang trabaho ko. Naging maganda ang experience ko sa lock-in dahil din sa kanya at sa suporta niya. Nagpapadala siya ng food sa set namin at dahil sa suporta niya, kahit papaano, na-survive ko ang first lock-in taping ko,” sabi ni Dingdong.

Sa Monday, Jan. 10, 8:50 p.m., ang world premiere ng AlterNate na iba ang concept.

Maine, may bago nang ka-loveteam

Lalabas na (baka sa Saturday) ang Kapuso actor na magiging love interest ni Maine Mendoza sa Daddy’s Gurl. Hindi siya si Alden Richards na ikina-disappoint ng AlDub fans dahil matagal na nilang request na ibalik ang karakter ni Alden sa sitcom at ibuhayin ang love team nila ni Maine.

Blurred ang larawan ng Kapuso actor na inilabas ng GMA 7, pero may mga humula nang siya ay si Yasser Marta. Naalala naming nabanggit ni director Chris Martinez sa mediacon ng Daddy’s Gurl na nag-audition ang actor at nakapasa. Kasama rin si­guro sa audition ang tingnan kung may chemistry sina Yasser at Maine.

May humula na si Vico Sotto ang magiging love internest ni Maine sa sitcom, kaya lang, sa sobrang busy ni Mayor Vico, wala siyang time sa showbiz. Saka, parang wala talaga itong hilig sa showbiz.

Anyway, abangan natin sa Sabado o kung kailan lalabas ang magiging kapareha ni Maine sa Daddy’s Gurl para malaman kung tama ang hula ng marami na si Yasser nga ang Kapuso actor na ito.

KC, nami-miss pa rin ang lola kesa kay mega?!

Mararamdamang nami-miss pa rin ni KC Concepcion ang grandmother niyang si Elaine Cuneta sa birthday message niya sa lola niya na tinawag niyang “Mita.” Sabi kasi nito, “I miss you so much. I yearn for you everyday.”

Heartwarming din ang post ni KC sa yaya niyang tinawag niyang “Nanay Lina” na based sa post ni KC ay pumanaw na. Inalala nito kung paano siya alagaan ng kanyang yaya at pinasalamatan ang “unconditional love, your fierce loyalty and unshakeable faithfulness.”

Birthday ng mom ni KC ngayon na si Sharon Cuneta, inaabangan ng marami ang birthday message niya for her mom. Sigurado kaming may masasabi at makukulangan, lalo na ang haters ni KC sa magiging birthday message niya kay Sharon.

Tom, ‘di kinaya ang ‘pananakit’ ni Sid 

Magtatapos na bukas ang The World Between Us at malalaman na ang magiging ending ng mga karakter na bumuo sa cast ng teleserye.

Gaya na lang ni Tom Rodriguez na nakitang puwedeng bida-kontrabida. You will love him a bida and you will hate him as kontrabida.

Si Sid Lucero na nagpakita na naman ng husay sa pag-arte, sabi nga ni Tom “grabe siya!” Ang husay ni Sid kapag sinasaktan si Jasmine Curtis-Smith at tuwing sinasabing sa kanya lang si Lia (Jasmine).

Tiyak na nabitin sina Tom, Jasmine at Alden Richards sa mga eksena nila ni Sid at hindi kami magugulat kung gugustuhin nilang muli itong makatrabaho.

vuukle comment

BEAUTY GONZALEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with