^

Pang Movies

Xian, dinaan sa kanta ang pagka-miss kay Kim   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Xian, dinaan sa kanta ang pagka-miss kay Kim            

Idinaan na lang ni Xian Lim sa kanta ang pa­ngungulila sa girlfriend na si Kim Chiu. Nasa lock-in taping kasi ngayon ang aktor sa Pampanga para sa bago niyang serye sa GMA 7 na False Positive.

Nag-post si Xian sa kanyang Instagram ng video nila ni Kim na nagdu-duet sila ng kantang You and Me na marahil ay kuha mula sa isang lumang performance nila.

Sa caption ay inilagay pa ni Xian ang ilang stanza ng lyrics.

“Cause it’s you and me. And all of the people with no­thing to do. Nothing to prove. And it’s you and me. And all of the people. And I don’t know why. I can’t keep my eyes off of you,” bungad ng caption ni Xian na tila kumakanta.

Inalala rin ng aktor ang panahong nagsisimula pa lang ang relasyon nila ni Kim na aniya ay hindi raw naging madali but after all these years, sila pa rin.

“Missing you so much @chinitaprincess  I remember wanting to sing this song with you because it wasn’t an easy road for us when we were starting out. So much noise from the outside world, people always had (have) things to say, they had (have) their own version of how we would end up. Years later, it’s still you and me,” ang sweet na mensahe ni Xian.

Sa comment section ay sumagot si Kim na halatang na-touch sa sinabi ng BF.

“Awwww!!!!!!!! miss you too,” komento ni Kim na sinagot ni Xian ng tatlong heart emojis.

Ion, nangakong hindi iiwan si Vice

Inialay ni Vice Ganda sa kanyang ina na si Nanay Rosario ang award na napanalunan sa katatapos lang na Asian Academy Creative Awards.

Si Vice ang itinanghal na Best Entertainment Host para sa Everybody, Sing! ng ABS-CBN na katatapos lang umere last October.

Sa It’s Showtime last Saturday ay masayang-masaya si Vice at ipinahayag na para sa kanyang ina ang nasabing award.

“Idine-dedicate ko ito sa ’yo kasi sa sobrang dagok na inabot ko, sa sobrang okray ng mga tao sa akin. Kung anu-ano ang naririnig ko. Sabi ko nga, salamat kasi ‘yung pagmamahal niya hindi lang nakakaganda, nakakahusay,” ani Vice.

Ayon pa sa Unkabogable Star, nag-text daw sa kanya ang ina para sabihing proud ito sa kanya na labis niyang ikinatuwa.

“’Di ba, ang sarap gumising na parang kahit anong marinig ko, wala naman akong paki. Ang mahalaga, okay naman si Ion. Okay kami ni Ion at ‘yung nanay ko, ang sarap sa feeling nung tinext ako ng nanay ko na, ‘You make your nanay proud again,” sey ni Vice.

At siyempre, hindi rin nagpahuli ang dyowa ni Vice na si Ion Perez na ang sweet din ng pagbati sa kanya.

“Binabati kita bilang partner mo. Congratulations, babe. Siyempre, alam mo na ‘yun kung gaano kita kamahal. Nandito lang ako lagi. Hindi kita iiwan,” mensahe ni Ion kay Vice.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with