^

Pang Movies

Kuwento ng mga inaampon sa Korea, nakakabilib

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kuwento ng mga inaampon sa Korea, nakakabilib

Talagang fascinating para sa akin kung bakit halos 80% ng Koreanovela meron orphan na bida sa istorya.

Saka pati pag-adopt ng foreigner, nakasali talaga. Ipinapakita na nagkaroon ng magandang buhay after adoption.

Para bang ang dami talagang Korean orphans na inadopt, either namatay mga magulang, inabandona, o talagang binigay for adoption.

Parang napakadali ng adoption process sa Korea kung pagbabatayan mo ang mga kuwento sa serye.

Maganda iyon kay Nam Joo Hyuk sa Weightlifting Fairy dahil sa mismong kapatid ng nanay niya siya pinaampon sa kuwento nito. Si Song Joong-Ki naman sa Vincenzo, sa isang Italian family lumaki at naging maganda ang buhay.

Naiisip ko tuloy, para bang way ito ng mga Korean para maintindihan ng marami kung bakit kailangan nilang magpa-adopt o bakit iyon ibang bata inaabandona.

Ang galing ng paraan nila ng pagpapaliwanag ng mga bagay na siguro kung hindi ganun ay mahirap intindihin.

At siguro, para na ring paliwanag iyong sa mga batang inampon o ibinigay sa ibang magulang.

Ang gaganda ng twist sa life ng mga orphan na mostly lumaking successful, at mahal pa rin ang mga magulang nila, biological at ang mga nakagisnan nilang mga magulang.

Hay naku, para ngang naisip mo tama rin desisyon kung minsan na ibigay mo kung anong makakabuti sa iyong mga anak, kung sakaling mas maganda ang magiging buhay niya sa ampunan.

Galing ng mga Koreans sa story telling ha.

Sana ganundin dito sa atin na magkaroon ng pagkakataong pag-usapang ang mga kuwento ng mga inampon na naging matagumpay sa buhay.

Pero dahil Pinoy tayo tiyak na iba ang magiging approach ng kuwento.

‘Yun lang at babu na.

vuukle comment

KOREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with