^

Pang Movies

Kris, magiging abala sa kampanya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Sundin kaya ni Herbert Bautista ang payo ni Kris Aquino na ang pag-usapan ni Herbert ay ang new relationship niya at hindi ang past nila. Sabi ni Kris, “It’s a common knowledge that you’re now in a new relationship with a beautiful girlfriend... so if you need to talk about your love life, please talk about your present, not your past.”

Ibig sabihin, kilala ni Kris ang new GF ni Herbert at alam din ng mga Marites kung sino ang girl na ito. Pero, dahil hindi pa umaamin si Herbert at hindi pa inaamin in public ang relasyon nila ng girl, ‘wag natin siyang pangunahan.

Speaking of Kris, nabanggit nitong may gagawin siyang pelikula next year, nagpaalam at pinayagan siya ng fiance niyang gawin ang pelikula na hindi binanggit ang title. Inaayos pa raw ang shooting schedule niya dahil may tutulungan siyang ikampanya.

“Nag-commit ako (pati rin siya, si Mel) na may tutulungan sa maraming paraan including sa pag-ikot ng Pilipinas slowly starting this January 2022. Obviously alam nyo na kung sino ang aking tinutukoy kasi pareho na kami ng favorite color ngayon- i’m sure lahat ng followers ko alam kung ano yung forever favorite color ko. #pink.”

Wala mang binanggit na pangalan, si VP Leni Rob­redo ang tinukoy ni Kris na tutulungan nila ni Mel na ikampanya. Iikot pa raw sila sa bansa.

Paolo, ka-birthday dinner ni Yen?!

Sabi siguro nina Paolo Contis at Yen Santos, kahit sa IG Stories na lang sila nagko-communicate sa social media, nahuhuli pa rin. Ito ay kung totoo ang nadiskubre ng netizens na magkasama sila sa 29th birthday ni Yen noong Nov. 20.

Ang ginawang basehan ng netizens ay ang post ni Yen sa IG Stories na setup ng dinner for two sa isang gazebo sa may beachfront. “Birthday dinner” ang caption ni Yen sa kanyang post.

May IG Stories post din si Paolo, larawan niya, pero napansin na ‘yung background ng picture niya ng curtain na may hanging lights ay kapareho sa setup ng nasa litrato ni Yen. Ang caption ni Paolo sa post niya ay “Dinner time” na may kasamang emojis ng three birthday cakes.

Siguradong hindi titigil ang mga Marites na alamin kung saan ang dinner setup sa birthday ni Yen at kung si Paolo nga ba ang kanyang ka-dinner.

Samantala, maganda ang ratings ng I Left My Heart in Sorsogon na kasama si Paolo sa cast, hindi naapektuhan ang rom-com series sa negative publicities kay Paolo. Gusto ng viewers ang story nitong Sorsogon na ngayon lang nadiskubre ng majority na maganda.

Direk Bert, maraming naging sakit bago namatay

Nagulat  kami sa balitang pumanaw na si director Bert de Leon nitong Nov. 21  na ibinalita ni director Joey Reyes sa kanyang Facebook account.

Post ni direk Joey, “You were always kind. You were always supportive of others. You were always strong at heart, remaining positive and hopeful. You have always remained a friend to your peers. You will be loved and remembered always Direk. Have a safe trip home to the waiting arms of our Father. Goodbye, Direk Bert de Leon.”

Sa isa nitong post, inisa-isa ni Direk Bert ang mga pinagdaanan niya noong July. Kabilang ang swollen and painful knee dala ng one misstep. Heart attack, Angiogram/Angioplasty, X-rays, Ultrasound, blood tests, 12 hours in ER, Cardiac rehab and physical therapy. Nakasulat din na after two weeks sa hospital, homebound na siya.

Narinig din naming ibinalita ni Willie Revillame sa Wowowin na magaling na si Direk Bert at nanonood ng show niya. Sabi pa ni Willie, may gagawin silang show ng director na hindi na matutuloy.

Si Direk Bert ay naging director ng Eat Bulaga, Bubble Gang, Pepito Manaloto at few weeks ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento bago siya magkasakit.

vuukle comment

HERBERT BAUTISTA

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with