^

Pang Movies

Klea, wasak sa breakup

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Klea, wasak sa breakup

Maingat si Klea Pineda sa kanyang personal na buhay, kaya konti lang daw ang nakaalam na dumaan siya sa isang heartbreaking relationship.

Mga malalapit na tao lang sa kanya ang may alam nang pinagdaanan niya. Nakadala raw sa kanya iyon ng lungkot at halos mawalan na raw siya ng pag-asa to move on. “I learned my lesson sa nangyaring iyon sa buhay ko. I was careful and discreet about that relationship. Pero nasaktan pa rin ako ng sobra-sobra.

“Natutunan kong huwag ibigay ang lahat sa iisang tao. I gave my heart and soul, buo kong pagkatao to make it work. Ang ending ay ako ‘yung lugi—ako ‘yung nawalan.

“Kaya next time I decide to get into a relationship again, mas magiging maingat na ako. Ayoko na kasing masaktan at iyakan ang taong ‘di ko naman deserve.”

Dahil sa heartbreaking experience na ito kaya naka-relate siya sa mabibigat na eksena sa teleserye na Stories From The Heart: Never Say Goodbye.

Glee star Darren Criss, tatay na rin!

Daddy na ang Fil-American actor-singer na si Darren Criss.

Proud na in-announce ng Glee star na expecting na sila ng kanyang misis na si Mia Criss. Pinost ni Darren sa social media ang ilang images at video ng kanyang announcement habang nasa isang recording studio sila.

Pinarinig din ng celebrity couple ang heartbeat ng kanilang magiging baby at ang sonogram kung saan may nakasulat na “Baby Von Criss Dropping Spring 2022”. Pinakita rin ni Mia ang kanyang baby bump.

Kinasal noong February 2019 sa New Orleans sina Darren at Mia. Bago nagkaroon ng pandemic last year, nakapag-celebrate ang couple ng kanilang one-year anniversary.

vuukle comment

DARREN CRISS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with