^

Pang Movies

Boyet, papatayin na sa HKM!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Kumpirmadong kakampi nga ni Mira (Andrea Brillantes) si Elias (Christopher de Leon) matapos nitong iligtas ang buhay niya mula sa kamatayan sa  Huwag Kang Mangamba, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Naibunyag na isa palang undercover police officer si Elias na naatasang imbestigahan ang sindikatong umampon kay Mira kaya planado mula umpisa ang pagdating niya sa grupo.

Pansamantalang namatay si Elias sa engkwentro niya sa mga lider ng sindikato na sina Thelma at Armand (Andrea del Rosario at Richard Quan) habang itinatakas niya si Mira. Ngunit hindi rin ito nagtagal pagtapos niyang mabuhay dahil sa paghihimala ni Bro.

Dahil sa pagsanib-pwersa nina Mira at Elias, tuluyan na nilang napabagsak ang sindikato at naisalba ang iba pang mga ampong nagdurusa sa kamay ng sindikato.

Hindi pa rito natatapos ang mga pagsubok sa buhay ni Mira dahil kasama si Elias, babalik siya sa Hermoso para muling makasama ang kapatid niyang si Joy (Francine Diaz).

Kasalukuyan kasing nagkakagulo sa Hermoso dahil sa pagtatangka sa buhay ng pekeng faith healer na si Deborah (Eula Valdes). Maging ang buhay ni Joy ay manganganib din dahil madidiskubre ni Deborah na kasama si Joy sa grupong bumabatikos sa kanya.

Ano ang naghihintay kina Mira at Elias sa Hermoso? Matulungan kaya nila si Joy sa pagpapabagsak kay Deborah?

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with