^

Pang Movies

Mark, nahirapang umalis para sa lock-in

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Mark, nahirapang umalis para sa lock-in

Hindi naging madali na iwan ng Kapuso actor na si Mark Herras ang kanyang mag-inang Nicole Donesa-Herras at Corky (Mark Fernando) dahil sa lock-in taping ng kanyang bagong serye sa Kapuso Network, ang 24/7 isang crime-thriller na pinagbibidahan ni Rhian Ramos at siya ring comeback vehicle ng actor na si Kier Legaspi. Isang buwan umanong naka-lock-in taping ang grupo kaya isang buwan din niyang hindi makikita, mayayakap at  makakarga si Baby Corky.

Aminado ang actor na nag-iba umano ang kanyang pananaw sa buhay nang siya’y maging isang ama, una sa kanyang panganay na si Ada – 7 (sa kanyang dating production assistant na si Diane Evangelista) and his second child na si Baby Corky sa kanyang wife na si Nicole. Hindi malinaw kung nagkita na ang magkapatid na Ada at Corky. Mark’s eldest child stays with her mother.

Mark was given another lease of his career nang muli siyang papirmahin ng kontrata ng kanyang home studio, ang GMA Artists Center.

Samantala, actors should not depend solely sa kanilang trabaho bilang actor. 

Dapat mag-isip din sila ng ibang pagkakakitaan tulad ng negosyo including online business na siyang in-demand ngayon. Sa hirap ng sitwasyon ngayon dahil sa pandemya, marami sa actors ang walang trabaho kaya nahihirapan silang maka-cope up sa kasalukuyang sitwasyon.

For any eventuality, dapat ay handa sila laluna’t sila ang bumubuhay sa kanilang mga pamilya. Mag-ipon at mag-invest is now the name of the game. Dapat ding maging creative ang mga artista sa pag-isip ng ibang pagkakakitaan at hindi ‘yung umaasa lamang sa kanilang kikitain sa pagiging actor.

Derek at Ellen, sa talahiban nag-pre nup shoot

Kakaiba ang konsepto ng pre-nup shoot ng engaged celebrity couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna dahil sa gitna ng talahiban ito ginawa.

Kung ang ibang ikakasal ay sa iba’t ibang bansa o tourist spots ginagawa ang pictorial, iba naman ang naisip ng soon to be Mr. & Mrs. Derek Ramsay dahil hindi na sila dumayo sa napakalayong lugar para lamang sa kanilang photo shoot.

Hindi pa rin nagbibigay ng detalye ang celebrity couple kung kelan at saan gaga­napin ang kanilang kasal na mangyayari bago magtapos ang taong kasalukuyan.

Ang hula ng iba ay baka mangyari ito sa ika-45th birthday ni Derek on Dec. 7.

Inaasahan din na ang three-year-old son ni Ellen (sa actor na si John Lloyd Cruz) na si Elias Modesto ang tatayong wedding ring bearer sa kasal nina Ellen at Derek.

vuukle comment

MARK HERRAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with