^

Pang Movies

Mga korean action movie, parang superman ang peg

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ngayon ko talaga napatunayang pang-drama, romcom, at romantic movie lang ako. Hindi ko talaga matagalang mag-watch ng action movie na parang Superman ang mga bida na kahit ang daming kaaway, bongga, buhay pa rin sila.

Kaloka talaga, lalo na ‘yung mga Koreanovela na action na martial arts at jiu-jitsu ang ginagamit, wow ang daming kalaban pero ‘yung bida, buhay na buhay. Maloka na ako ha, kahit favorite ko si Lee Joon-gi at Song Joong-ki, hindi ko matanggap na ang dami nilang kalaban, pero sila pa rin ang panalo. Ano iyon, magic?

Hay naku, talagang sa drama at romance na lang ako, mas kilig pa. Ayoko na talaga ng action, kesehodang may mga alaga akong action stars, hindi makatotohanan ‘yung ang dami mong kalaban, ikaw pa rin ang panalo.

Kahit siguro si Manny Pacquiao hindi kayang sabay-sabay patumbahin ang 20 kalaban noh! Para namang fairy tale. Hah hah! Kalokah!

Beautederm, may face mask na rin!

May bago palang product na naman Beautederm ni Rhea Tan. Iyon usong-uso sa Korea na face mask na Blanc Plus. Talaga raw gaganda at magiging poreless halos ang facial skin mo ‘pag regularly ginamit mo ito. Talagang non-stop ang research ng mga staff ni Rhea Tan ng Beautederm.

Imagine mo na ‘yung top seller na Korean product para sa skin talagang ngayon isa na sa product ng Beautederm.

At ang maganda p, talagang reasonable ang presyo kaya afford ng marami. Magtiyaga ka lang talagang gaganda ang kutis mo sa products ng Beautederm.

Pinaka-favorite ko talaga ‘yung toner nila na talagang lumilinis ang mukha mo sa dumi. At iba rin ang dating ng mga soap nila, talagang exfoliant siya kaya lumalabas ang baby skin mo.

Ngayon heto pa, Blanc Plus na face mask na mga 20 minutes lang sa face makikita mo na ang resulta.

vuukle comment

KOREAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with