^

Pang Movies

Julia, overwhelmed sa ­pagpasok sa Probinsyano

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Julia, overwhelmed sa ­pagpasok sa Probinsyano
Julia

Anim na bagong members ng cast ng top-rating and longest-running action drama series na FPJ’s Ang Probinsyano – kabilang rito sina Julia Montes, Rosanna Roces, Joseph Marco, Tommy Abuel, Vangie Labalan at ang baguhang si Marela Torre at isa isa namang mawawala sa serye ang mga character na gina­gampanan nina Jane de Leon, Christian Vasquez, Cristina Gonzalez at iba pa.

Pinatay na rin ang character na ginampanan ng aktres na si Aya Fernandez. 

Lahat na lang yata ng mga artista ay nangangarap na makapasok at makapag-guest sa Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin na siya ring tumatayong creative director at director ng serye.

Samantala, todo ensayo ngayon si Julia sa fight scenes, gun fighting, pagpapatakbo ng motorsiko at iba pang stunts bilang paghahanda sa kanyang role as Mara sa Ang Probinsyano na magsi-celebrate ng kanilang ika-6th year anniversary next month.

Pero sabi nga ni Julia, overwhelmed siya na nakasama siya sa serye ng sinasabing karelasyon niya.

Kim at Jerald kuntento muna sa live in, ‘di priority ang kasal

Ang longtime partners na sina Kim Molina at Jerald Napoles ay nagkalapit sa isa’t isa nang sila’y magsama sa hit stage musical na Rak of Aegis may pitong taon na rin ang nakakaraan. At that time, si Kim was playing the lead role of Aileen alternating with Aicelle Santos habang si Jerald ay gumanap sa papel na Tolits kung saan naman niya ka-alternate sina Pepe Herrera at Benz Manalo (son of singer-comedian and TV host na si Jose Manalo).

Although pitong taon nang magkasintahan sina Kim at Jerald at nasasama na rin sa iisang bubong magmula nung lockdown noong isang taon, wala pa sa immediate plans ng dalawa ang magpakasal not because wala ito sa kanilang plano kundi hindi ito ang priority nila sa ngayon. “Puwede namang maghintay,” pahayag ni Kim at the virtual presscon ng kanilang bagong movie under Viva Films, ang Ikaw at Ako at ang Ending mula sa panulat at direksiyon ni Irene Villamor. 

Ang nasabing movie ay third team-up na bale nina Kim at Jerald mula sa hit movie na Jowable in 2019 at sa virtual hit movie na Ang Babaeng Pakiramdam na sinulat at dinirek ni Darryl Yap na last June lamang ipinabas sa Vivamax at iba pang digital platfom.

Romance-drama ang tema ng Ikaw at Ako at ang Ending kaya marami silang intimate scenes sa movie. Ayon sa writer-director na si Direk Irene, very collaborative umano ang magkasintahang Kim at Jerald kaya hindi siya nahirapang kumbinsihin ang dalawa sa kanilang mga intimate scenes dahil tunay silang magkarelasyon sa totoong buhay.

“It was so natural,” pahayag ni Direk Irene about her first movie sa taong ito.

Kung si Direk Darryl Yap ay mahilig sa controversial titles, si Direk Irene naman ay pawang may hugot ang mga titulo ng kanyang mga pelikula.

Since nasa iisang management company sina Kim at Jerald, ang Viva Artists Agency, hindi nahihirapan ang kanilang mother studio na sila’y pagsamahin sa isang proyekto.

vuukle comment

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with