^

Pang Movies

John Lloyd / Bea, may third chance na

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
John Lloyd / Bea, may third chance na
John Lloyd

Muling pinatunayan ng actor na si John Lloyd Cruz that he is co-parenting his son, Elias Modesto, sa kanyang ex-girlfriend na si Ellen Adarna kahit engaged na ito sa Kapuso actor na si Derek Ramsay nang bigyan niya ang anak ng advance birthday celebration na Spiderman ang tema.

Kahit nagsasama na sina Ellen at Derek kasama si Elias sa bahay ni Derek, regular pa ring sinusundo ni John Lloyd ang anak for his bonding time kaya nasabi noon ni Ellen sa isang panayam that he (John Lloyd) is a present father to their son na pinatotohanan din ni Derek.

Noong June 18 to 21 ay isinama ni John Lloyd ang anak sa Boracay at sa resthouse naman ni JLC sa Batangas ginanap ang intimate birthday party ng bata.

Samantala, klaro na ang pagiging Kapuso ni John Lloyd at posibleng maibalik ang kanilang tambalan ng kanyang perennial screen partner na si Bea Alonzo na Kapuso na rin.

Sina John Lloyd at Bea ay parehong dating homegrown prized stars ng ABS-CBN.

Ella, mas focus sa akting

Inamin ni Ella Cruz at bida ng pelikulang Gluta na nagkaroon umano siya ng hesitation noong una na tanggapin ang nasabing proyekto na sinulat at dinirek ng millennial writer-director an si Darryl Yap. Pero natutuwa umano siya na ito’y kanyang tinanggap dahil napakaganda umano ng pagkakagawa at mensahe ng movie na nagbibigay ng pag-asa at inspirasyon sa mga makakapanood nito.

Katambal ni Ella sa pelikulang Gluta ang Fil-Italian ex-Pinoy Big Brother housemate-turned actor-model na si Marco Gallo. Tampok din sa movie sina Cristina Gonzalez, Arlene Muhlach, Rose Van Ginkel at ang 2018 Miss Q&A grand winner-turned actor-comedian na si Juliana Parizcova Segovia. Ang nasabing pelikula ay matutunghayan sa Vivamax streaming simula ngayong Biyernes, July 2.

When Ella was still a child star, dalawang beses siyang nanalo ng Best Child Actress para sa pelikulang Resiklo mula sa Gawad Urian at FAMAS at noong nakaraang 2019, siya naman ang tinanghal na Best Supporting Actress para sa pelikulang Edward mula sa Cinemalaya Independent Film Festival.

During her teens ay nagbida na rin si Ella sa TV series na Aryana, isang teen mermaid at afternoon drama series na Bagito na pinagsamahan nila nina Nash Aguas at Alexa Ilacad where she played the role of a teen mom.

Although love ni Ella ang singing and dancing,­ ­mas pinagtutuunan niya ngayon ng pansin ang kanyang acting.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with