^

Pang Movies

James, hindi nagsunog ng tulay kay PNoy

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
James, hindi nagsunog ng tulay kay PNoy
James

Salute to James Yap. Very gentleman of him, and very sincere gesture ‘yung pagpunta niya sa mass for PNoy hanggang sa pakikipaglibing.

Very discreet at tahimik siyang nakiramay. Hindi lumapit kay Kris Aquino o Bimby, basta nakinig lang sa misa at tahimik na ipinadama ang suporta. Siguro nga naging maganda ang relasyon nila ng nag-iisang kapatid na lalaki nila Kris. Siguro nga nasa puso niya ang respeto at paghanga rito.

Malaking bagay na nagawa ni James na pumunta sa wake, walang fanfare at walang ingay. ‘Yung personal niyang presence ang patunay na isang mabait na kuya si PNoy, na naging maganda ang pinagsamahan nila.

Bow ako kay James. Tunay siyang lalaki. Siguro dapat na itong maging daan para maging malapit si Bimby sa kanyang ama. Patunay na hindi kailanman pinutol ni James ang kanyang relasyon sa mga Aquino.

Mga batang negosyante, mabilis umaaksyon

Si Cris Roque ng Kamiseta naman wala ring pagod sa paghahanap ng bagong ideas para sa kanyang Kamiseta Apparel at Skin Clinic. Para bang hindi rin siya humihinto sa paghahanap ng ideas na puwedeng i-incorporate sa kanyang mga business kaya madalas na lumilibot siya around the Philippines to look for new ideas.

Kung minsan nga nakikita niya na maraming opportunity outside of the city na mas malaki ang puwedeng maging return of investment kesa sa business dito sa Metro Manila.

Ang sarap talaga ng mga batang entrepreneur kasi they have the energy to explore, they are aggressive at very fast ang thinking nila. Kaya kung titingnan mo ang mga successful business ngayon, mostly run ito ng mga bata at idealistic business-minded men or women. Talagang go forward na ang lahat ng bagay, sa bilis ngayon ng buhay dapat lang talaga, action agad, kundi maiiwan ka.

vuukle comment

JAMES YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with