^

Pang Movies

Jaclyn gusto nang ­makita ang mga anak ni andi

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jaclyn gusto nang ­makita ang mga anak ni andi

Nami-miss na ni Jaclyn Jose ang anak na si Andi Eigenmann pati na ang kanyang mga apo since sa Siargao na nga ito naninirahan kasama ang fiancé na si Philmar Alipayo with their kids.

Sa birthday greetings ni Jaclyn kay Andi last Friday, ipinahayag ng una ang labis na pangungulila sa anak.

Sinagot naman ni Andi ang pagbati ng ina at nagpasalamat dito.

Masaya namang ipinagdiwang ng aktres ang kanyang 31st birthday sa Siargao last Friday (June 25) kasama ang fiancé at tatlong anak na sina Ellie, Lilo and Koa.

Nag-post si Andi ng family photo nila sa tabing-dagat at ibinahagi ang naging simpleng pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa isla na aniya ay kakaiba sa mga past birthday celebrations niya.

“I started my 31st year of life on Cloud 9 (literally)!­ I was woken up by a mañanita on my first birthday on the island. (A dream!) we awaited the sunrise at the best place to do so, had breakfast, prepared nanay’s spaghetti for lunch and happily enjoyed the “handaan” that papa, Angie, auntie Marilyn and uncle Epong had prepared for me!

“I usually do all the preps for my bdays back home, so this was different, but such a fun and memorable celebration nonetheless!

“Thank you to my island fam for everything, to my friends and fam back home for remembering/ the messages/ and calling me up, to my NANAY for this beautiful gift of life, and to these people in my arms for making it so much more worth living!” ang caption ni Andi.

Catriona, sa singapore dumiretso ­pagkagaling sa mga magulang

Naging emosyonal si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang pag-alis sa Australia. Matatandaang tumungo ang beauty queen sa nasabing bansa noong Mayo para bisitahin ang magulang na aniya ay matagal na niyang hindi nakikita because of the pandemic.

Mahigit isang buwan ding nanatili si Catriona sa bansang sinilangan at makikita rin naman sa kanyang Instagram posts ang masasayang bonding niya with her parents.

Pero last Friday ay nagpaalam na ang beauty queen sa pamilya at kailangan na niyang umalis muli. Sa kanyang IG post ay ipinahayag niya ang kalungkutan sa muli nilang paghihiwalay.

“When I said goodbye to my parents at the airport, underneath my mask I kept smiling. Although it trembled. I didn’t want them to see. We hugged saying “see you soon”. But this pandemic makes a once easy thing such an uncertainty...when?...how? When will we be together again?

“I felt the emotions spilling over but didn’t want them to see, so as I rounded the corner through the passenger terminal finally out of their sight, I let the tears come,” bahagi ng madamdaming caption ni Catriona.

Malungkot man sa kanyang pag-alis ay thankful naman si Catriona na nakapiling niyang muli ang parents.

Mensahe niya sa kanyang followers, “please never take time with your family or loved ones for granted, so many of us wish to have that reality everyday.”

Sa latest post ni Catriona ay inanunsyo niyang nasa Singapore siya at mukhang dito siya dumiretso from Australia. So, we suppose na hindi pa sila nagkikita ng boyfriend na si Sam Milby.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

JACLYN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with