^

Pang Movies

Juday ayaw na ayaw sa bubble taping, ayaw ding maging unfair kay Jodi!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Juday ayaw na ayaw sa bubble taping, ayaw ding maging unfair kay Jodi!
Juday

Ayaw nang sagutin pa ni Judy Ann Santos kung na-offer ba talaga sa kanya ang Doctor Foster tulad ng mga naglabasang balita bago ianunsyo ng ABS-CBN na si Jodi Sta. Maria na ang gagawa nito.

Sa panayam kay Juday ni G3 San Diego last Monday night, diretsahang tinanong ng nasabing writer kung totoo bang inalok ang said project sa kanya at nakangiting sagot ng aktres, “alam mo, I don’t know if I have to answer that question, kasi I don’t want to be unfair kay Jodi and at the same time, parang gusto ko ring maghintay sa management if they’re gonna answer that.”

If ever ay hindi naman daw niya magagawa talaga ang project at happy siya na si Jodi ang gagawa nito.

“Happy ako na it was Jodi who’s doing Dr. Foster. Oo, oo. Ako rin naman, if ever, hindi ko rin naman talaga siya magagawa kasi takot nga ako lumabas. More than anything,” she said.

Ayaw daw kasi ni Juday ng bubble taping dahil nga malalayo siya sa kanyang pamilya ng ilang linggo bukod pa nga sa natatakot siyang lumabas. “But it’s (Dr. Foster) a very, very good material, it’s a good project,” sey ni Juday.

Pero aminado naman si Juday na nami-miss niya ang acting pero talaga raw hindi siya tumatanggap ngayon ng acting project because of the pandemic at hindi nga raw niya kaya ang lock-in taping na malayo sa pamilya.

Bukod kay Alden at Gabby, Rayver type jowain ni Sanya

Inamin ni Sanya Lopez na gusto niyang jowain sina Alden Richards, Rayver Cruz at ang leading man niya sa First Yaya na si Gabby Concepcion.

Sa Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition ay sumabak si Sanya sa Jojowain o Totropahin Challenge with First Yaya co-star Cassy Legaspi.

First name agad na sinabi ni Cassy ay si Alden kaya sabi ni Sanya, “Agad? Hindi mo man lang pinanghuli?” Ayon kay Sanya, pangjowa, of course, si Alden.

“Nakasama ko ‘yan before sa Encantadia. Doon kami parang unang pinagsama. Napakabait na tao niyan grabe. Feeling ko siya ay pangjowa,” ani Sanya.

Sey pa ng Kapuso actress, deserving daw si Alden sa lahat ng blessings na nakukuha nito dahil napakabait na tao ng aktor.

Nang banggitin naman si Rayver, umamin si Sanya na sobrang crush niya ang aktor. “Si Rayver Cruz, bata pa lang ako talagang ‘pag napapanood ko na siya sumayaw, grabe crush na crush ko si Rayver Cruz.”

Nang banggitin na ni Cassy si Gabby, may kilig kaming nakita sa dalawang girls.

Sey ni Sanya, “Si Mr. Gabby Concepcion, nakilala ko siya na parang formal, ‘yan ang first impression ko sa kaniya. Sobrang formal, parang hindi mo siya mawi-win, ganun’g klaseng tao. Napakaseryosong actor, ganu’n ‘yung pagkakakilala ko sa kanya.”

Nang magsimula na raw sila sa lock-in taping nila ng First Yaya, du’n daw niya unti-unting nakilala si Gabby. “Du’n ko siya nakilala and kung gaano siya kabait, kung gaano siya ka-professional,” ani Sanya.

Singit ni Cassy, “and sweet” na inayunan agad ni Sanya. “Sobrang sweet,” sey ng aktres at nagtinginan sila ni Cassy tila may ibig sabihin.

Kaya naman jojowain daw si Gabby, ani Sanya at napasigaw na silang pareho ni Cassy na parang mga kinikilig.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with