^

Pang Movies

Bong, dinaga ang dibdib bago ang airing ng Agimat

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Parang nakahinga nang maluwag si Sen. Bong Revilla nang makatsikahan namin kahapon dahil naipalabas na noong Sabado ang pilot episode ng Agimat ng Agila. Aminado siyang talagang kabado siya nang husto dahil ito ang pagbabalik niya sa TV pagkatapos niyang mawala ng halos limang taon.

Kaya hindi raw siya mapakali habang papalapit na ang araw ng Sabado. “Ganun kasi talaga ako, kapag may project talaga ako. Even before naman tuwing may project ako. Minsan nga nahu-hospital pa ako ‘di ba? ‘Yung nakaka-anxiety na ako.

“Pero iba ang pakiramdam talaga eh. Ilang beses na nga ako pumupunta sa banyo sa nerbiyos,” natatawa niyang pahayag.

Ang tuwa nga raw niya, dahil ang daming nag-congratulate sa kanya dahil maganda ang feedback sa kanyang programa. Hindi rin naman umepek ang ibang patuloy pa ring namba-bash sa kanya na may nagti-threat pa na i-boycott daw nila.

May mga nagsasabi pang hindi raw ito papasukin ng commercial.

Nagkamali naman sila, dahil tambak ang commercials at nagrereklamo na nga ang ibang nakapanood na nabitin daw sila.

Marami na rin ang nagsasabing sana ginawa na raw daily, pero hindi pa masabi ni Sen. Bong kung kakayanin niya ang matagalang taping. Kaya okay na raw na every Saturday lang muna mapapanood ang Agimat ng Agila.

Samantala, very successful din ang Kap’s Amazing Agimat ng Agila Giveaway na ginawa rin niya noong nakaraang Sabado ng hapon, bago nagsimula ang kanyang programa.

AJ, wala pang karanasan sa normal na trabaho

Isa sa maituturing na pandemic stars si AJ Raval na kinagulatan ang pagi­ging mapangahas sa pelikula niyang Death of a Girlfriend.

Bukod sa naturang pelikula ay kasali rin pala si AJ sa Ang Probinsyano at katatapos lang daw niya sa lock-in taping. Kakaiba nga ang nakasanayang setup ni AJ sa taping at shooting dahil nagsimula siya sa panahon ng pandemya.

Iba na nga ngayon na naka-lock in na maingat na maingat sa pagsunod sa safety and health protocols.

“Hindi ko po kasi na-experience ‘yung shooting nang normal po. Parang namulat na po ako sa ganitong sitwasyon na sa ganitong klaseng ano. So, hindi ko po talaga alam ang difference ng ngayon at saka ‘yung before.

“Pero sabi po ng ibang artista, mas okay daw po kung paano ‘yung shooting ngayon, lock-in,” saad ni AJ nang nakatsikahan namin sa DZRH.

Natutuwa siya sa magandang break na ibinigay sa kanya ng Viva. Pero balak ni AJ na pagkatapos ng pandemyang ito at bumalik daw sa dating normal, gusto niyang bumalik sa pag-aaral dahil hanggang high school pa lang daw siya at nag-aral sandali sa Alternative Learning Center.           

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with