^

Pang Movies

Chito, binubuhay ng asawa!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Chito, binubuhay ng asawa!
Neri at Chito

Sinagot ni Neri Naig-Miranda ang tanong ng isang netizen kung siya na ba ang bumubuhay sa asawang si Chito Miranda.

Nag-post kasi si Neri ng larawan ng ipinapatayo nilang Miranda Farm sa Alfonso, Cavite. Sa kanyang mahabang caption, sinabi niyang dito na raw sila maninirahan at idinetalye ang plano nila sa nasabing investment.

“We decided na tumira na talaga sa farm dito pa rin syempre sa Alfonso. Mas magiging healthy living talaga dahil magiging malaki na ang taniman ko ng mga gulay at dito ko na rin kukunin mga vegetables na gagamitin ko sa pagtutuyo ko. Mag aalaga kami ng mga manok para everyday may fresh eggs kami. Hindi ko alam kung kaya pang mag alaga ng baka para may fresh milk, ayun kase request ni Miggy at pig daw. Nasarapan sa lechon,” pagbabahagi ni Neri.

Sinabi rin ng dating Kapamilya star na tuluy-tuloy pa rin siya sa pagkayod para sa pamilya.

“Kaya kayod ng kayod laaaaang. Napapagod, magpapahinga lang, pero NEVER susuko. Para sa pamilya, go lang! Ayan ang greatest motivation ko, ang pamilya ko. Masarap mangarap at unti unting tinutupad kasama ang ating pamilya,” pahayag pa ni Neri.

Isang netizen ang nagtanong ng “ikaw na po bumubuhay kay chito? Or share kayo sa pagawa ng bahay? Lagi kasing ako or ko ang nasa post mo.”

Sinagot naman ito ni Neri at ipinagtanggol ang mister. Aniya ay may kanya-kanya silang investments at kahit walang masyadong gigs ang asawa ngayon ay may mga paupahan naman ito.

“May kanya kanya kaming investments. May kanya kanya kaming pera pero sya ang nagbibigay ng monthly allowance para sa bahay. Kahit wala sya masyadong gigs, ang dami naman nyang investments katulad ng mga paupahan. May mga townhouse at condos syang pinapaupahan, dun palang solb na kami. Kay Chito ako natutong humawak ng pera,” pagtatanggol ni Neri sa asawa.

Idinaan naman sa biro ni Chito ang kanyang sagot.

“Oo din...kasi kung wala si Neri matagal na akong patay,” pagbibiro ng frontman ng Parokya ni Edgar.

In fairness kay Chito, makikita mo sa kanya na wala siyang insecurity sa misis and in fact, he’s been a supportive husband ever since.

vuukle comment

CHITO MIRANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with