^

Pang Movies

Alice, kailangan nang umuwi ng Pilipinas

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alice, kailangan nang umuwi ng Pilipinas
Alice

Isa sa almost 100 new shows ng GMA Network, ang bagong primetime cultural drama series na Legal Wives na malapit nang mapanood. Tampok dito si Dennis Trillo at ang mga aktres na sina Alice Dixson, Bianca Umali at Andrea Torres. Malamang na iyon ang reason kaya nag-post na si Alice sa kanyang Instagram na babalik na siya sa bansa from Canada, kasama na ang kanyang baby na tinawag lamang niyang Baby A, through surrogacy. 

Hindi ba siya takot umuwi ng Pilipinas sa kabila na may COVID-19 pa rin sa bansa?

“Truth be told: I’m a bit anxious about flying back to Manila this month with travel restrictions, COVID & all.  Many people have questioned and discouraged me pero tingnan natin. Wish us good luck & health. I am traveling solo with a newborn (that’s right peeps no assistant in tow) just little Baby A & I.”

Kaya ang magiging laman daw ng kanyang YouTube vlog ay kung paano mag-travel safely internationally and domestically sa North America ngayong panahon ng COVID-19. 

Centerstage ni Alden, pahinga muna

Nag-post agad si Alden Richards sa kanyang IG na hindi muna mapapanood ang original reality kiddie singing competition na Centerstage, for three Sundays, simula this Sunday, April 18. “Abangan ang matinding pasiklaban hanggang grand finale sa aming pagbabalik! See you in May mga Kapuso!”

Understandable na hindi muna puwedeng mag-taping ang kiddie competition dahil nga nasa MECQ pa ang NCR at kailangang sumunod ang GMA Network sa health protocols para maiwasan ang pagkalat ng CO­VID-19.

Sa halip, mapapanood muna sa kanilang timeslot ang performan­ces ng Clashers sa flashback specials ng singing competition na The Clash mula Season 1 hanggang Season 3 pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Agimat… ni Bong, iba-iba ang magiging guest

Marami nang na-excite nang ilabas na ng GMA ang mga bago nilang shows and programs, isa na rito ang action-packed family drama na Agimat ng Agila, na itatampok ang much-awaited TV comeback ni Ramon “Bong” Revilla Jr. 

Makakasama ni Bong sa adventure series sina Sanya Lopez, Roi Vinzon, Benjie Paras, Allen Dizon, Michelle Dee, Ms. Elizabeth Oropesa, at may special participation si Sheryl Cruz, plus ang special guests na itatampok nila per episode.

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with