^

Pang Movies

Actor-politician na tatakbo sa 2022, gagastusan ang buhay ni Andres Bonifacio sa pelikula

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakiusap ang aming source na huwag na munang banggitin kung sino itong sikat na actor-politician na may gagawin palang malaking pelikula tungkol sa buhay ni Andres Bonifacio.

Isa raw magaling na direktor ang kinuha na magdidirek, at maaaring si actor-politician din ang magpi-finance.

Sa gitna ng pandemyang ito parang hirap makabuo ng ganitong pelikulang dahil ang daming taong involved at medyo madugong  i-shoot.

Wala pa kaming ideya kung nasimulan na pero may nakausap na akong manager na kinukuha ang dalawa niyang artista para sa project na ito.

Iisa lang ang tanong ng karamihan. Para saan ang pelikulang ito?

Totoo kayang may balak na talaga itong si actor-politician sa mas mataas na posisyon sa 2022, kaya magpu-produce siya ng ganitong pelikula?

Meron na rin ngang kumausap sa isang magaling na direktor na kung puwedeng siya na raw ang magdirek sa balak din nilang gawing pelikula tungkol sa isang babaeng pinu-push na tumakbong presidente.

Napangiti na lang si direk dahil ‘di niyang type gawin, kahit gusto pa niyang rumaket.

Character actress na may sobrang yaman na boyfriend, pumuslit sa lock-in

Malabo na talagang kunin itong si character actress sa mga drama series, kahit guesting man lang.

Hindi pa nga siya gaanong kilala, pero consistent daw sa pasaway sa set kaya kinukuwento na ng ibang staff sa ilang reporters para isulat ang ginagawa ng character actress na ito.

Kaya lang hindi nga naman siya kilala, kaya magtatanong pa kung sino ang babaeng ito. Mas okay pa raw na i-blind item na lang.

Kasi naman powerful daw at super yaman ang boyfriend nitong character actress kaya nagagawa raw ang gusto niyang gawin sa set.

Sa lock-in taping daw ng isang drama series na kung saan bahagi itong si character actress, nalaman daw ng staff na tumakas daw ito sa set.

Ang buong akala nila nasa kuwarto lang niya na kung saan nagpapahinga na ang lahat, ‘yun pala wala siya at lumabas ito para makipagkita sa boyfriend.

Pinagsabihan daw ito kinabukasan dahil bawal ang lumabas talaga, bahagi ng safety protocols na pinapatupad.

Umiyak-iyak pa raw itong si character actress na nagsu-sorry.

Nang sumunod na araw, hindi nga siya lumabas ng set, pero lumipat daw ito ng kuwarto malapit sa lugar na tinutuluyan ng mga artista at production staff.

Nag-check in na pala roon si boyfriend at kumuha raw ng isang kuwarto sa penthouse ng hotel na tinutuluyan nila.

Doon daw patagong tumuloy si character actress at natulog sa kuwarto ng boyfriend.

Ipinakita raw sa production staff ang CCTV na kung saan lumabas ng kuwarto si character actress at umakyat sa kuwarto na ibinook ng boyfriend.

Kaya, hindi na raw talaga nila kukunin ito sa mga susunod nilang projects.

Nakarating na rin ito sa ilang EPs kaya iiwasan na raw nila ito.

Nawalan tuloy ng raket itong character actress dahil lang sa kanyang powerful boyfriend.

vuukle comment

ANDRES BONIFACIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with