^

Pang Movies

Kampo ni Bea, nagsalita sa pagpirma ng aktres sa GMA

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Kampo ni Bea, nagsalita sa pagpirma ng aktres sa GMA
Bea

Nagulat ang manager ni Bea Alonzo, and even mga taga-GMA Network sa balitang may offer daw sila for Bea na pumirma ng contract sa GMA at maging isang Kapuso. Wala raw katotohanan iyon, at sa ngayon ay committed lamang si Bea para sa movie na gagawin nila ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards, ang A Moment To Remember, para sa Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment.

Ayon sa manager ni Bea, hindi sila nagku-commit pa ng ibang projects dahil three movies na ang dapat gawin this year ng actress, pero nasa preparations pa lamang lahat dahil nga sa muling paghihigpit sa health protocols simula nang maging ECQ o enhanced community quarantine muli ang NCR at apat pang karatig na probinsya.

Kyline at Miguel, huhusgahan na

Excited na ang fans and followers ng new loveteam nina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara. Nang una kasing magkasama ang dalawa sa Kambal-Karibal, gusto na nila ang dalawa dahil mukha raw may chemistry sila, pareho pang mahusay umarte. Pero si Bianca Umali pa ang ka-love team ni Miguel noon kaya hintay-hintay daw muna sila sa bagong project na puwedeng pagsamahan nilang dalawa.

Kaya this Easter Monday, mapapanood na ang bagong magka-loveteam sa isang episode ng Season 2 ng drama anthology na I Can See You: #Future na mukhang may drama, action at mystery ang story kasama si Gabby Eigenmann.

Mapapanood simula ngayong April 5 ang I Can See You: #Future, 9:15 p.m., pagkatapos ng First Yaya sa GMA 7.

Sharon, nakipag-collab sa animal welfare group

Tinanggap ni Megastar Sharon Cuneta na maging new and official partner ng @pawssionproject.  Simula nang mahilig si Sharon sa mga aso, naging passion na rin niyang mag-alaga, hindi lamang ng mga mamahaling aso na alaga na niya ngayon, kundi kahit mga asong gala tulad ni Pawiboy, na nilapitan siya sa shooting ng Revirginized, sa Olongapo City. May sakit ang aso at matapos maipagamot ni Sharon ay dinala muna niya sa veterinarian at pinaalagaan doon hanggang sa puwede na niyang iuwi sa kanilang bahay. Mabait si Pawiboy at kasama na siya ngayon ng iba pang alagang aso ni Sharon sa bahay niya.

In return, nagpasalamat naman ang mga taga-Pawssion Project family na tinanggap ni Sharon ang offer nila.  Bilang panimula, may fundraising drive sila na pinangungunahan ni Sharon na kailangan nilang makalikom ng P120K. Ang perang malilikom nila ay tutumbasan naman ng mga good Samaritans na may puso rin sa animals who are abused, abandoned and neglected, to have the chance at a better life.

Sa kabila na very busy si Sharon, masaya siya at ang motto niya ay “today, everyday, I choose to be happy!”

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with