^

Pang Movies

Aktor, balik social media pagkagaling sa COVID

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Pasalamat tiyak ang mga nagmamahal sa aktor na ito dahil gumaling na siya sa Covid-19 at ang patunay na ayos na ang kalagayan ng aktor ay nakapag-post na uli siya sa social media. Ilang araw din kasing missing sa socmed ang actor at dahil pala ‘yun sa nagkasakit siya.

But now he’s back, kaya masaya ang mga nagmamahal sa kanya at dasal nila na magtuluy-tuloy ang kanyang paggaling. Nangamba ang fans ng aktor nang malamang nagkasakit ito, lalo na at hindi nabalita.

Sana sa susunod, mag-dobleng ingat na ang aktor lalo na at hindi niya maiwasang lumabas dahil nga may trabaho siya.

Bea at Dominic, huli na namang magkasama

Ang galing magkonek-konek ng fans nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang mga pino-post sa Instagram. Kapag may bagong post ang isa sa kanila, tiyak na iso-soc ng fans para malaman kung may konek sa isa and almost always, tama sila dahil may ­pinanggagalingan ang kanilang mga post.

Gaya na lamang sa post ni Dominic na may binili siyang painting na pinost sa kanyang IG Story. Agad nahanap ng shippers nina Bea at Dominic ang jouney ng painting dahil pagkatapos niyang i-post na hawak ang painting, ang sumunod noon ay nakasabit na sa wall ng bedroom ni Bea.

 May na-soc pa ang Bea-Dom fans ng larawan ng dalawa na magkasama sa car ni Dominic at kahit hiwalay ang photos na lumabas. Sa solo pic kasi ni Bea, naispatan sa tabi niya ang suot na cap ni Dominic at lalong kinilig ang fans sa na-soc na sa car ni Dominic nakasakay si Bea.

Kaya lang, kailan kaya aaminin ng dalawa kung anumang relasyon mayroon sila?

Magiging misis ni Dion, dating flight attendant!

Ang daming nag-congratulate kina Dion Ignacio at sa fiancee niyang si Aileen Sison na engaged na rin. Actually, magkasunod nilang in-announce nina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang kanilang engagement at mauuna lang yata ang wedding nina Dion at Aileen dahil may prenup video shoot at photo shoot na rin sila.

Former flight attendant ng Philippine Airlines at Ethihad Airways ang fiancee ni Dion at ngayon, Chief Operations Officer and co-founder ng cosmetics lines na Skin Potions at ang clothing line na Posh Pop Collections.

Sharon, santambak ang ayuda kina Angeli

Pinost ni Angeli Valenciano ang ipinadalang food ayuda ni Sharon Cuneta sa kanila na parang may birthday sa bahay ng mga Valenciano sa rami ng pagkain. Comment tuloy ng netizens, sana may sister-in-law sila kagaya ni Sharon.

Binilang namin ang tray ng food at hanggang sampu lang ang aming nabilang dahil hindi na-capture ng camera ang iba. Kaya tama ang sinabi ni Angeli na speechless siya sa gesture ni Sharon.

Magandang balita pa ang na-share ni Angeli na okay na siya and in fact, sa pinost na video, naglalakad na sa garden nila at naglilinis. Good news din ang ibinalita nitong negative si Gary sa second PCR test nito, hindi siya nahawa kahit tatlo sa mga kasama niya sa bahay ang nagkasakit.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with