^

Pang Movies

Ara, nanahimik sa detalye ng kasal

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ara, nanahimik sa detalye ng kasal
Ara at dave

Ang fiancé ng singer-actress at entrepreneur na si Ara Mina na si Dave Almarinez, CEO ng Philippine International Trading Corporation (PITC) at undersecretary ay pangatlong  non-showbiz guy na na-link sa kanya. Ang dalawa pa ay ang businessman na si Raymond Yap at ang dating mayor at ngayon ay vice-mayor ng Bulakan, Bulacan na si Patrick Meneses, ama ng kanyang six-year-old daughter na si Amanda Gabrielle Meneses habang ang tatlo pa ay nagmula sa mundo ng  showbiz, sina Keempee de Leon, Jomari Yllana at Polo Ravales.

Ara got engaged sa kanyang fiancé noong nakaraang January 12, 2021 sa San Pedro, Laguna at abala ang dalawa ngayon sa kanilang nalalapit na kasal although hindi pa nagbabahagi ang engaged couple ng petsa at lugar ng wedding.

Hindi kaya itaon ito sa ika-42nd birthday ni Ara on May 9?

Samantala, may mga nagtatanong din kung sino ang maghahatid kay Ara sa altar sa araw ng kanyang kasal?  Ang kanyang biological father kayang si Chuck Mathay o ang kanyang stepdad na si Romeo Reyes na siya niyang kinamulatan at kinalakihang ama? For sure naroon din ang kanyang inang si Francis Marie Klenk at half-sisters sa mother side maging ang kanyang half-siblings sa side naman ng kanyang ama kasama si Macky Mathay, ang nobyo ngayon ng singer-actress at ex-wife ni Cesar Montano na si Sunshine Cruz.

Samantala, gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na imbitado umano ng engaged couple ang ex-boyfriend ni Ara at ama ng kanyang anak na si Vice-Mayor Patrick Meneses.

Sunshine, malapit din sa mga anak ni Macky

Sa darating na September 2021 ay magsi-celebrate na ng kanilang ika-5th anniversary bilang magkasintahan sina Sunshine Cruz at Macky Mathay pero ang relasyon ng dalawa ay hindi pa mauuwi sa kasalan dahil hindi pa annulled ang kasal ni Macky sa kanyang ex-wife na si Camille Fariñas kung kanino siya may tatlong anak, two boys and one girl. Tatlo rin ang anak ni Sunshine, all girls sa kanyang ex-husband na si Cesar Montano na sina Angelina, Francheska at Samantha na ang naunang dalawa ay pareho na ring pumasok sa showbiz.

It was in September 18, 2018 nang ma-annul ang marriage ni Sunshine kay Cesar.

Pareho nang tanggap ng kanilang respective children and relasyon nina Sunshine at Macky.

 

 

vuukle comment

ARA MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with