^

Pang Movies

Angel, naimbyerna sa ‘maliit na bagay’ ni Pangulong Duterte

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Angel, naimbyerna sa �maliit na bagay� ni Pangulong Duterte
Angel

Kabilang ang aktres na si Angel Locsin na nag-react sa sinabi ni Presidente Digong na ang COVID “ay maliit na bagay lamang na kayang lampasan ng mga Pilipino.” Hindi natin masisisi si Angel sa ganoong reaksiyon dahil kung natatandaan pa ninyo, noong nagsisimula ang COVID na parang hindi malaman ng gobyerno kung ano ang uunahin, ang mga pangangailangan ba sa mga ospital o ang pinaiiral nilang lockdown, may ginagawa na si Angel bilang isang pribadong mamamayan.
Nagsimula lang siya sa pagdadala ng pagkain sa frontliners na dahil sa tindi ng trabaho ay wala na halos panahong kumain, at iyong mga na-lockdown at nagugutom na rin. Tapos nakita niya ang dami ng mga may sakit na hindi na matanggap ng mga ospital kaya ang ginawa naman niya ay nagpatayo siya ng mga air-conditioned tent sa mga ospital para sa mga batay ng mga may sakit at maging sa frontliners na lupaypay na rin naman sa pagod pagkakatapos ng kanilang trabaho. Ganoon din para sa mga pulis at sundalo na nauulanan at naaarawan sa checkpoints nila.
Basta tumutulong ka nang ganyan, hindi mo naman maaaring sinuhin pa ang humihingi at nabibigyan mo ng tulong dahil ang nasa isip mo na lang tulungan ang mas marami hanggang makakaya mo.

Pagkatapos noon, napagbintangan pa siyang supporter ng mga subersibo, kaya tumigil na siya. Pero kung ganoon ngang talaga ang pagod mo, at sasabihing ang problema ay “maliit na bagay” talagang maiinis ka.
Bagama’t may isang bagay na kailangan din namang mai-consider. Hindi tagalog si Presidente Digong at kung minsan may nasasabi siyang masama sa pandinig natin pero hindi talaga ganoon ang gusto niyang sabihin. Noong mapanood namin ang video ng sinabing iyon ng Presidente, ang naging dating sa amin ay pinalalakas niya ang loob ng mga tao, at nagbibigay lamang siya ng assurance na marami pa tayong magagawa laban sa COVID, hindi ang ibig sabihin ay walang kuwentang sitwasyon nga iyan, o talagang maliit na problema lamang.
Siguro nga, mas mapipintasan ang gobyerno kung makikita ang presidente na parang takot na takot sa kasalukuyang sitwasyon natin. Mawawalan ng pag-asa maging ang mga mamamayan at lahat ay matatakot na.

Vina, pinayuhan si Derek sa pagiging patolero

Simple lang ang naging payo ni Vina Morales sa kanyang kaibigang si Derek Ramsay na kinukuyog ngayon ng mga basher sa social media. “Huwag mo na lang patulan,” sabi ni Vina.

Sinagot naman iyon ni Derek na sinubukan lang niyang ipaliwanag ang kanyang sitwasyon. Hindi naman niya pinapatulan talaga ang bashers. Sinabi pa nga niyang ok lang na mag-comment sila kahit na ano, “huwag lang sana silang bastos.”
Mahahalata mong nagpipigil pa rin si Derek na mapikon sa kung anu-anong sinasabi tungkol sa kanya at sa kasalukuyang girlfriend na si Ellen Adarna, na sa palagay din namin iyon na nga lang ang magagawa niya. May mga account kasi siya sa social media eh at ‘yun ang epekto nun.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with