^

Pang Movies

Harapan at sampalan nina Jodi, Iza, Rita at Maricel, nag-trend

Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinutukan at kinabiliban ang pinakaaabangang ‘War of the Century’ at acting showdown sa pagitan ng mga premyadong aktres na sina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Rita Avila at Maricel Soriano sa Ang Sa Iyo Ay Akin nitong Huwebes (Marso 11) ng gabi.  

Tuluyan nang naubos ang pasensya ng mag-ina na sina Nanay Lucing (Maricel Soriano) at Marissa (Jodi Sta. Maria) nang makatanggap ng subpoena para sa diumano’y pag-espiya sa Ceñidoza at sinugod sina Ellice (Iza Calzadao) at Belen (Rita Avila) para makipagtuos.

“Nagawa mong ipapatay si Jacob noon at ni katiting na pagsisisi hindi ko nakita sa iyo! Kung alam ko lang na ganyan ka ka-demonyo, e di sana matagal na kitang pinapatay sa dinami-dami ng panahon na pinalagpas ko!” sumbat ng nanginginig sa galit na ni Marissa kay Ellice.  

Nauna nang ipinagtapat ni Marissa kay Nanay Lucing ang tunay na katauhan ni Jake (Grae Fernandez) at ang kinalaman ni Ellice sa pagkamatay ng tunay na Jacob. “Marissa, oras na para harapin si Ellice, para mabigyan ng linaw ang lahat ng atraso niya sa atin,” udyok ni Nanay Lucing sa anak.  

Samantala, dala ng matinding galit sa kanyang natuklasan tungkol sa mga nagawa ni Ellice, tuluyan nang iniwan ni Gabriel (Sam Milby) ito, kahit anong pagmamakaawa nito sa kanya. 

Sumabog naman ang social media sa rami ng papuri sa natunghayan na komprontasyon ng manonood. Umani ng magagandang comments ang apat na aktres sa husay ng kanilang pag-arte. 

 Tutukan ang huling anim na araw ng hit serye gabi-gabi, 8:40 p.m. sa A2Z channel at TV5.   

vuukle comment

MARICEL SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with