^

Pang Movies

KathNiel, trending ang comeback

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
KathNiel, trending ang comeback
KathNiel

Isa pala sa mga bagay na ikinakikilig ni Kathryn Bernardo sa boyfriend na si Daniel Padilla ay kapag kumakanta ito.

Inamin ito ng aktres sa ASAP Natin ‘To last Sunday kung saan ay nag-guest sila ni DJ (Daniel). Tinanong si Kathryn kung ano raw ba talaga ang nagpapakilig sa kanya kay Daniel. “Marami, pero isang bagay siguro, everytime he sings, I like. Yeah ngayon! Yeah, may something ‘pag kumakanta siya. Siguro, nakikita mo kasi ‘yung soul niya,” sabi ni Kathryn.

Hirit pa niya kay Daniel, “and ako rin naman love, napapakilig pa kita, ‘di ba?”

Sagot naman ni DJ, “syempre naman love, all the time.”

“Very good,” sey naman ni Kathryn.

Sa nasabing guesting ay nagparinig si Daniel ng kanyang version of ‘80s song na Ikaw Pa Rin at talaga namang hot na hot naman talaga ang aktor. Tama ang sinabi ni Kathryn na nakakakilig kapag kumakanta ang boyfriend.

Si Kathryn naman ay nagkaroon din ng hot production number kaya naman tuwang-tuwa ang KathNiel fans since medyo matagal na ring hindi napapanood ang reel and real-life couple sa stage.

Natanong din ang dalawa kung paano nila ipinag­diwang ang nakaraang Valentine’s Day at sey ni Kath, simple lang daw ang naging celebration nila. “Actually, dapat magla-lunch kami sa Tagaytay, pero for some reason, parang lahat ng tao, pumunta sa Tagaytay, sobrang traffic. So, hindi kami natuloy. Nag-end-up kami sa bahay ng kaibigan namin sa Batangas.

“So, simple lang na ano na very intimate Valentine’s Day with their friends also,” ani Kathryn.

Sa sobrang saya ng KathNiel fans na makita ang dalawa ay nag-ingay sila sa Twitter at naging top trending ang topic na KathNiel ASAP Comeback.

Vin at Sophie, baby girl ang panganay

It’s a baby girl for Vin Abrenica and Sophie Albert! Inanunsyo ito ng engaged couple sa gender-reveal vlog nila uploaded last Sunday.

Sa nasabing video, ayon kay Sophie ay thanksgi­ving daw dapat ang event pero nagdesisyon daw ang mommy niya na isabay na rin ang gender-reveal.

“So happy to finally share our gender reveal celebrations with you guys! As much as we would have all wanted to be together, we had 2 separate get togethers for the Reyes family and the Abrenica family to keep everyone safe. Very different celebrations but both equally fun! Sharing with you special moments with our families,” ang description nina Vin and Sophie sa vlog.

Sa dulo ng vlog ay ini-reveal nila na girl ang gender ng kanilang first baby at makikitang masayang-masaya ang soon-to-be mom and dad gayundin ang kani-kanilang pamilya.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with