^

Pang Movies

Claudine, umaapelang nabastos ang mga anak sa relasyon nina Raymart at Jodi

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Claudine, umaapelang nabastos ang mga anak sa relasyon nina Raymart at Jodi
Claudine

Para kay Claudine Barretto, dapat ang ginawa ng ex-husband niyang si Raymart Santiago ay una niyang ipinaalam sa mga anak nila ang relasyon nila ni Jodi Sta. Maria bago sila nag-public.

Sabi ni Claudine, “Tinawagan ko si Jodi... Sinabi ko na alam mo Jodi isa lang ang hiniling ko sa inyo. Na sabihin n’yo sa akin para maabisuhan ko ‘yung mga anak ko. Kasi sinabi ko na mangyayari ‘to. Artista kasi kayo. Eto ‘yung iniiwasan ko ‘yung may lumabas na pictures na makita ng mga anak mo bago mo sinabi. Bago n’yo sinabi sa amin. Pero ‘yung anak niya, ‘yun ‘yung nakakainis dun, ‘yung anak niya si Thirdy, inupo nila ni Raymart at in-explain na bagong boyfriend niya ulet. ‘Di ba? Parang, ang bastos noh? ‘Di ba, nakalimutan ‘yung mga anak ko.”

Wala pang sagot sina Raymart at Jodi sa pahayag na ito ni Claudine at siguro, kung sasagot man, si Raymart na lang siguro. Baka, personal na lang na sagutin ni Raymart ang in-open ni Claudine na isyu at hindi na idaan sa social media.

Arjo, pinaligaya si maine sa kanyang birthday

As of yesterday, disabled pa rin ang comment section ng Instagram ni Nelson Canlas kung saan, naka-post ang interview niya sa magdyowang Arjo Atayde at Maine Mendoza na may kinalaman sa guesting ni Arjo sa Daddy’s Gurl.

Mali lang ang akusasyon ng isang netizen na kaya in-off ni Nelson ang comment sa kanyang post dahil takot siya. Mas tamang kaya in-off ni Nelson ang comment section dahil ayaw na lang niya na may bashers na makapasok at kung anu-ano ang i-comment. Ayaw lang siguro ni Nelson na mag-away-away pa ang netizens.

Anyway, ayon kay Arjo, birthday gift niya kay Maine ang guesting niya sa Daddy’s Gurl. Birthday kasi ni Maine sa March 3 at sa March 6, naman ang airing ng episode na guest si Arjo at gusto ng Kapamilya actor na special ang 26th birthday ng GF. “I’m very happy na I’ve got to work with her, and then it’s on her birthday so it’s special to me... building memories with her, this is all just memories together that we’re building and I’m very happy,” ayon kay Arjo.

Na-share naman ni Maine na nang mag-usap sila ni Arjo, nabanggit nitong kinakabahan siya. Pero sabi niya, kaya ni Arjo ang comedy. “Na-deliver naman, best actor!”

Hindi naman mangyayari ang nababanggit na baka lumipat sa GMA 7 si Arjo after his guesting sa Daddy’s Gurl dahil kahapon, kasama ang photo niya sa binanggit na “Star Magic Presents contract signing with ABS-CBN and Star Magic.” Isa siya sa pumirma ng kontrata kasama sina Maymay Entrata, Edward Barber, Donny Pangilinan, Francine Diaz at Gary Valenciano.

Richard may uunahin muna bago ang serye nila ni Heart

Nagsimula na ang lock-in taping ni Director Mark Reyes sa first installment ng Season 2 ng I Can See You: On My Way To You. Ang nasabing episode ang unang ipalalabas sa iba pang installment ng I Can See You.

Bukod kina Ruru Madrid, Shaira Diaz, Gil Cuerva, at Arra San Agustin, kasama rin sa cast si Richard Yap and in fact, nag-taping na si Richard. Wala pang sinasabi ang GMA 7 kung kailan ang airing nito.

Matagal-tagal pa yatang sisimulan nina Richard at Heart Evangelista ang taping ng I Left My Heart in Sorsogon, kaya puwede pang gumawa ng ibang project ang bagong Kapuso actor.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with