^

Pang Movies

Dog walker ni Lady Gaga, kritikal sa magnanakaw ng aso

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Dog walker ni Lady Gaga, kritikal sa magnanakaw ng aso
Lady Gaga

Ang dog walker ng kilalang American singer-songwriter/actress na si Lady Gaga (Stefani Joanne Angelina Germanotta) na si Ryan Fischer ay isinugod sa pagamutan matapos itong barilin ng dalawang suspects na tumalilis sakay ng isang white sedan dala ang dalawa sa tatlong aso ni Lady Gaga noong nakaraang Miyerkules ng gabi on Sierra Bonita Avenue sa L.A.

Natangay ang dalawang French dogs ng singer-actress na sina Gustave at Koji habang ang isa na si Asia ay nakatakas at na-recover ng L.A. police.

Ang weapon na ginamit ng dalawang suspects ay isang semi-automatic handgun na hanggang ngayon ay hindi pa nare-recover and at large pa rin ang suspects.

Tinutukan umano ng baril ang biktima at pilit na kinuha sa kanya ang tatlong aso pero nakatakas ang isa.

Kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan ang dog walker at kaibigan ni Lady Gaga na kasalukuyang nasa Italy at nagsu-shooting ng pelikulang Gucci.

Angelu, balik-showbiz

After almost two decades, balik Viva ang actress na si Angelu de Leon matapos itong lumagda ng five-year-exclusive management contract with the company na pinamumunuan ni Boss Vic del Rosario.

Although sa ABS-CBN nagsimula si Angelu when she was 12, pagkaraan ng isang taon ay lumipat siya sa bakuran ng Viva kung saan talaga lumaki ang kanyang pangalan lalo na nang makapareha niya ang kanyang dating ka-loveteam na si Bobby Andrews na nagsimula sa youth-oriented program ng GMA, ang T.G.I.S.

May basbas ang mister niyang si Wowie Rivera sa pagbabalik-showbiz ni Angelu lalo pa’t showbiz ang first love nito.

vuukle comment

LADY GAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with