^

Pang Movies

Sharon, puro luho ang kuwento?!

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Love namin si Megastar Sharon Cune­ta pero may mga naririnig kaming komento na tila hindi sumasang-ayon sa karaniwan niyang kuwento sa social media. Bakit daw pulos na lang mamahaling alahas, mansyon at iba pang kaluhuan ang masaya niyang binabanggit? Hindi raw kaya nararamdaman ni Mega ang kahirapang dinadanas ng kanyang fans?

Hindi na raw interesado ang mga taga-suporta sa mga mamaha­ling gamit ni Mega dahil ang gusto nilang maramdaman ay ang pagtulong nito sa mga nangangailangan.

Anyway, hindi naman kasalanan ni Mega na ibahagi ang kaluhuan sa buhay dahil sariling pera naman niya ang pinambili sa mga ito at hindi galing sa kaban ng bayan.

Simula pagkabata ay rich na talaga si Shawie kaya marahil masaya lang siyang ibahagi sa kanyang fans ang mga ito at hindi niya alam na may mga nagdaram­dam sa kanya.

Well, balik-trabaho na siya at bahagi siya ng programang Your Face Sounds Familiar.

Angel, hindi nagbabago ang ganda simula nang maging Ms. Caloocan

Maganda pa rin si Angel Locsin kahit hindi nito mapigilan ang paglaki ng katawan. Hindi naman daw palakain si Angel pero dahil siguro sa mga gamot na iniinom niya kung kaya’t lumusog ang beauty nito.

May komento na sana raw bago ikasal si Angel, mag-slim o mabawasan ng kahit konti ang timbang nito. Well, kahit tumaba si Angel, hindi pa rin makakalimutan ng taumbayan ang mga naibigay nitong tulong sa mga kababayan nating inayudahan niya noong nangailangan ang mga ito.

Walang hilig sa pulitika si Angel pero sunud-sunod ang tulong-pinansiyal niya sa kapwa.

May lumang photo pa kami ni Angel noong bago pa lang itong nanalong Miss Caloocan City. Nanalo siyang beauty queen ng Caloocan City sa panahon ni ex-mayor Rey Malonzo. Masasabi ngang wala talagang kupas ang ganda nito.

Marami talagang nagmamahal kay Angel. Nakakapanghinayang lang na hindi na siya puwedeng mag-Darna ulit.

Imelda, tutok sa bakuna ng mga kababayan

Abala sa kanyang nasasakupan ang Vice Governor ng Camarines Sur na si Imelda Papin. Hindi nga siya nakapag-celebrate ng birthday tulad ng ginagawa noon. Inaasikaso niya ang bakuna ng mga kababayan sa Bicol. Nakatutok ang kanyang atensyon para sa mga nasasakupan niya para maprotektahan sa COVID-19.

Patuloy pa rin siyang tumutulong sa mga member ng KAPPT na kung saan siya pa rin ang tumatayong presidente.

vuukle comment

SHARON CUNE­TA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with