^

Pang Movies

Gerald, may sagot kina Julia at Joshua

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Gerald, may sagot kina Julia at Joshua
Gerald

Sagot nga kaya ni Gerald Anderson ang cryptic post sa kanyang IG Stories na “If you are tired, it’s okay to rest. But don’t quit” sa linyahan ni Julia Barretto sa Paubaya music video nila ni Joshua Garcia na “I’m sorry, I’m sorry Josh. I’m sorry napagod ako, I’m sorry nawala ako.”

Ang feeling ng netizens, sagot ni Gerald sa linya ni Julia ang kanyang cryptic post, kaya lalong mas maraming interesado silang mapanood ang music video ng song ni Moira dela Torre.

Gusto ng netizens na maging part ng 11 million na nag-view sa music video. Napatunayan sa milyong views na malakas pa rin ang tambalan nina Joshua at Julia, at baka naman puwedeng muli silang magtambal sa pelikula.

Nakasulat pala sa IG post ni Moira kung saan pinasalamatan ang lahat ng involved sa music video na ang script dialogue ay kasama sa credit sina Joshua, Julia, Jason Hernandez at Moira.

Aling part kaya sa dialogue ang input nina Joshua at Julia?

Sa nakita naming BTS sa music video shoot, mapapansin na off-cam, medyo nagkakahiyaan sina Joshua at Julia and in fairness, may litrato rin na nagkatabi sila.

Lovi, nag-ala Da King 

Pinost ni Lovi Poe sa Instagram ang BTS ng first rehearsal niya sa action scene niya sa Owe My Love kung saan, stunts ang ginawa niya. May takbo at lundag pa siyang ginawa. Sabi ni Lovi, “Inspired by my Dad’s Da King moves and my nephew Franklin’s Spidey sense... Direk, I’m ready for more action roles” at sinunda ng “one of Sensen’s (name of her character) “action-filled” scenes for #OweMyLove! I don’t mind the battle scars I got along the way filming this. I ENJOYED doing it!”

Sa pilot episode pa nga lang ng OML may action scene na agad si Lovi, lumipad siya at nag-cartwheel habang nakasuot ng costume. Aliw ang eksena at aliw ang reaction ng viewers at gusto nilang mapanood pa si Lovi in more action scenes.

Sweet sina Lovi at leading man niya sa OML na si Benjamin Alves at hindi ito ang first time na nagtambal ang dalawa. Magkasundo sila at may chemistry, kaya nagtataka ang fans kung bakit hindi sila na-fall sa isa’t isa.

Pareho ang sagot nina Lovi at Benjamin sa tanong na ito, they are better off as friends at masaya na kapag happy ang kani-kanyang love life.

Anak nina Anne at Solenn, nag-bonding 

Nagkita na pala ang magpinsang Thylane o Tili (anak nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico) at Dahlia (anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff) at sa nakita naming litrato, may playtime na ang dalawang bagets. Si Anne ang kalaro ng mga mestizang bagets malapit sa swimming pool.

Halos magkasing-edad sina Tili at Dahlia, buwan lang ang pagitan ng dalawang bata. Nag-celebrate na ng kanyang first birthday si Tili at malapit na rin ang first birthday ni Dahlia. Kaya lang, gaya ni Tili, hindi magiging magarbo ang birthday celebration ni Dahlia.

Rayver, napi-pressure kay Glaiza

Nagsimula na pala ang lock-in taping ng Nagbabagang Luha na pinagtatambalan nina Glaiza de Castro at Rayver Cruz. Balik-GMA 7 na rin si Ricky Davao dahil si Ricky ang director ng GMA Afternoon Prime.

Nabanggit dati ni Rayver na napi-pressure siyang kapareha si Glaiza dahil alam niyang magaling itong aktres. Pero dahil magkaibigan sila at magkasama sa All-Out Sundays, naniniwala si Rayver na maaalis ang pressure niya habang tumatakbo ang taping.

Adaptation ng Regal Films movie ang Nagbabagang Luha na madrama at maraming confrontation. Role ni Lorna Tolentino ang gagampanan ni Glaiza at role naman ni Gabby Concepcion ang gagampanan ni Rayver.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with