^

Pang Movies

Dramahan sa simbahan nina Joshua at Julia, milyones ang views sa social media

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Naging ‘real’ ang music video ng latest song ni Moira na Paubaya nang mag-sorry sa isa’t isa ang dating magkarelasyong sina Joshua Garcia and Julia Barretto.

Bukod sa pagso-sorry, nabanggit din doon ang forgiveness, pasasalamat and pamamaalam.

Kaya naman feel na feel ng kanilang fans ang pain nang nangyari sa kanila noon.

Marami sa kanilang nakiiyak kaya naman halos 2 days silang nagti-trending.

Kuwento ang music video ng magkarelasyon na nagka-inlaban at muntik ikasal pero bago naganap ang kasalan, napagod ang babae at tumakbo palayo.

“I’m sorry, I’m sorry Josh, I’m sorry, napagod ako. I’m sorry, nawaala ako. Natakot ako, kasi, hindi kita mahanap noon.

“Binigay ko lahat. Binigay ko sa ‘yo lahat, naubos lang ako.

“I’m sorry, nasaktan kita,” dialogue ni Julia

Hirit naman ni Joshua - “Sorry. Sorry, kung wala ako nung mga panahong kailangan mo ako.

“Sorry, kung wala ako nung kailangan mo ng makakapitan. Sorry kung hindi kita naprotektahan. Hindi man lang kita naprotektahan.

“Natakot ako. Sobra. Pero gusto ko, nandun ako. Gusto ko, nandun ako nung nasasaktan ka. Pero wala…

“Siguro, dahil alam ko na rin na…na hindi talaga tayo para sa isa’t isa.”

Relate much ang fans dahil nga nangyari sa kanila noong pumutok ang issue kina Bea Alonzo, Gerald Anderson and Julia more than a year now.

Ngayon ay sinasabing sina Julia at Gerald na talaga at si Joshua ay walang nababalitang bagong girlfriend after Julia.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with