^

Pang Movies

Free swab, request...pagbubukas ng mga sinehan, naudlot!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Free swab, request...pagbubukas ng mga sinehan, naudlot!

Ngayong araw na sana ang partial reope­ning ng cinemas sa Metro Manila, pero sadly, malabo ngang mangyari dahil maraming hindi pabor kabilang na ang mga doctor.

May takot ang Metro Manila mayors na magkahawaan ang mga manonood sa cinemas.

Kulob ang mga sinehan kaya malaki ang chance na makahawaaan talaga. Bukod sa inaasahang pagkalugi na rin ng mga sinehan kasi kung 50% lang din naman ang capacity, hindi naman sila puwedeng magtaas ng singil.

Saka ‘yun nga ‘di mo rin naman alam kung dadayuhin din ng mga manonood ang sinehan at this point in time na hindi lang basta takot sa virus, kundi ang daming choices, ang daming platform.

Pero ayon kay FDCP Chair Liza Diño, magri-reach out sila sa mga mayor  para sa mas malakas na campaign sa safe movie-watching.

Justifiable ang takot ng mga mayor dahil sa Auckland, New Zealand nga, tatlo lang ang new local cases, lockdown na agad. Samantalang kahapon sa report ng DOH, 1,928 ang new cases and 25,918 ang active cases sa bansa, pero gustong magbukas ng mga sinehan at arcades.

Anyway, baka puwede namang magkaroon ng free swab sa mga manonood ng sine.

Baka ‘pag ganun, dagsain ang mga sinehan.

Regine negative sa COVID, freedom tuloy na sa 28

Matutuloy na sa February 28 ang maudlot na Valentine concert ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na Freedom.

Kahapon ay naglabas ng official statement ang ABS-CBN tungkol sa bagong schedule ng concert ni Regine na hindi nga natuloy matapos itong magkaroon ng exposure sa positive sa COVID-19.

“ABS-CBN Events and IME are pleased to announce that “Freedom: Regine Velasquez-Alcasid Digital Concert” has been rescheduled to February 28 (Sunday).

“Regine tested negative for COVID-19 and will soon resume preparations for the show.

“All previously sold “Freedom” tickets will be honored on the new concert date. Tickets are still up for grabs on KTX (ktx.ph). Exclusive access is also available on iWantTFC and TFC IPTV Pay-Per-View and will also be available on SKY Pay-Per-View for those who would like to witness this grand musical event.”

Vin at Sophie, excited na sa kanilang baby

After the announcement ng engagement, pagbubuntis na ni Sophie Albert ang update nila ni Vin Abrenica kahapong Valentine’s Day.

Yup, officially nga ay inamin na nilang magkaka-baby na sila.

“I can’t wait to hold you!”

“Thank you everyone for your all warm wishes. Our hearts are full. Happy Valentine’s day, I hope all your hearts are filled to the brim.” ang post ni Sophie.

Excited din ang soon to be dad na si Vin. “Soon we get to meet and hold our precious little one! Ahhhh! I can’t wait! Gigil!”

Kasal na lang ang kulang sa kanila. Nauna na nilang pinakita ang pinagawang bahay at ang kanilang engagement.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with