^

Pang Movies

Sanya, na-stuck sa lock-in

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Sanya, na-stuck sa lock-in
Sanya

May mga nagtatanong kung ano na ba ang nangyari sa Bulakenyang si Sanya Lopez na papasikat na. Sobrang abala raw ba siya sa mga lock-in taping at hindi na siya napapanood sa kahit anong programa ng GMA 7?

Kung sabagay, dalawa ang ginagawa niyang teleserye, ang First Yaya kapareha si Gabby Concepcion at Agimat ng Agila starring Sen. Bong Revilla.

Tiyak ‘pag ipapalabas na ito, tiyak magiging visible na uli siya sa mga programa ng GMA lalo na kung magpo-promote na sila.

Mga guest sa Bawal Judgmental, ‘di kilala

Wala na raw bang big star na maimbitahan ang Eat Bulaga para mag-guest sa Bawal Judgmental segment nito? Bakit tila habang tumatagal ay nahihirapang mag-isip ang mga manonoood kung sino ba ang mga bisita nila sa nasabing portion.

Sabi ng iba, sikat din daw ‘yung mga bisitang humuhula at mapapanood daw ang mga ito sa TikTok, YouTube at iba pang social media platforms. Kaso hindi lahat ay mahilig manood sa mga gaya nilang social media influencer. Traditional sila na mas kilala pa rin ang mga totoong artista.

Well, hindi masisisi ang fans kung hindi nila kilala at mostly ‘the who.’ Dagdag excitement daw kasi sana kung kilala nila ang mga bisita nina Jose Manalo at Paolo Ballesteros.

Kate, hitsurang may mararating

Mukhang malayo ang mararating ni Kate Valdez na isa sa bida sa seryeng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Magaling siyang umarteng kontrabida at hindi nagpapatalbog kay Barbie Forteza.

Wala rin siyang kiyeme nang isubsob niya ang mukha ni Barbie sa cake na tila mana sa nanay niya sa karakter na ginagampanan ni Dina Bonnevie na naglublob din kay Barbie sa halamanan. Ibang klaseng magalit si Dina sa serye at maraming nakapansing humahataw sa ere ang serye. Kilala rin kasi ang mga bigating artistang gaya nina Snooky Serna, Jean Saburit at Ms. Celia Rodriguez.

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with