^

Pang Movies

Sunshine, pinaalalahanan ang mga anak na ‘wag siyang tularan sa pagjojowa

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sunshine, pinaalalahanan ang mga anak na �wag siyang tularan sa pagjojowa

Inaamin ni Sunshine Cruz, ngayong nagdadalaga na ang kanyang mga anak, panay ang paalala niya sa mga iyon na kung dumating man ang panahon na may manligaw sa kanila ay kailangang maging maingat sila sa pamimili. Kailangang alamin nila ang tunay na pagkatao, at makinig sa payo ng mga nakatatanda sa kanila.

Hindi mo masisisi si Sunshine. Nangyari iyan sa kanya eh. Batang-bata kasi siya nang ligawan. Alam naman niya ang background ng kanyang napangasawa, at hindi naman nagkulang ang mga kaibigan niyang nakatatanda sa kanya ng pangaral, pero kagaya ng sinasabi niya, “na-in love kasi eh.”

Iyon ang first time na may nanligaw sa kanya na nagustuhan niya. May ibang nanligaw na hindi naman niya nakursunadahan talaga, kaya mabilis ang naging takbo ng pangyayari. Napasubo siya.

Alam niya kung ano ang na­ging pagkakamali niya at ayaw niyang mangyari ang ganoon sa mga anak niya.

Pero may kaibahan eh, lumaki kasi si Sunshine sa isang masayang pamilya at hindi niya inisip na may mangyayaring hindi niya gusto. Iyong mga anak naman niya, alam kung ano ang nangyari sa buhay nila, at ang katotohanang kailangang balikatin ng ermat nila ang lahat ng responsibilidad, kaya siguro nga mag-iingat sila.

Relasyon nina Gerald at Julia, huli sa bibig ni Dennis

Ano na naman ang mensahe ni Dennis Padilla kay Gerald Anderson? “Kung talagang mahal mo ang anak ko, huwag mo siyang sasaktan. Huwag mo siyang lolokohin,” sabi ng komedyante. Hindi namin alam kung matatawa kami dahil sabi niya wala siyang alam sa relasyon nina Gerald at Julia Barretto, pero iyong habilin niya parang may relasyon nga.

Siguro nga kung kailangang wala siyang sabihin tungkol doon dahil ayaw niyang makialam sa issue, huwag na lang siyang magbigay ng statement na kahit na ano. Pero sinasabi nga, minsan pinipilit siya ng press na magsalita pero kung iisipin kung ayaw niyang talaga hindi siya mapipilit.

Pero kami ay naniniwala na may relasyon nga sina Gerald at Julia, kahit na ano pang denial ang gawin nila. Tiyak na lalabas ang katotohanang iyan kung mag-split sila pagdating ng araw na sinasabi nga ng marami na “most likely,” o kaya ay magkaroon sila ng “biglang pamilya” na hindi naman masasabing “remote possibility.” Hindi lang nila mailabas talaga dahil masama ang naging dating ng kanilang relasyon sa simula pa lamang, at iyon ang naging dahilan para mas makuha nina Bea Alonzo at Joshua Garcia ang simpatiya ng mga tao.

Baguhang male star, mapagbigay sa mga bading para sa ambisyon

Nagkukuwento ang isang kilalang couturier tungkol sa isang baguhang male star, at kung papaano niya iyon tinulungan noong panahong nag-aambisyon pa lang iyong mag-artista at walang-wala pa. Wala naman siyang sinabing masama. In fact, sinasabi niyang mabait daw ang male star.

Iba naman ang dating ng mga bagay na iyon sa mga tsismoso, papaano naman daw hindi niya sasabihing mabait ang male star eh pinagbigyan naman siya sa “lahat ng kanyang mga request noong panahong iyon.”

Hindi naman daw makapagyayabang ang couturier, dahil ang sinasabi niyang “mabait na male star, ay naging mabait din sa maraming iba pang bading na nakilala niya noong araw.” In short, kahit na hindi pa siya artista ay pinapatunayan na niyang “professional” siya.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with