^

Pang Movies

Ebidensiya sa relasyon, paisa-isa ang labas...

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Paisa-isang lumalabas ang mga litrato nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa naging bakasyon nila sa Amanpulo. Ang latest na nakita namin na naka-post sa socmed account ng isa sa kanilang shippers ay makikitang magkatabi sila ng upuan, pero may gap sa kanilang pagitan.

Obvious na nasa likod ng dalawa ang kumuha ng litrato, kaya hindi napansin. Makikitang naka-extend ang left arm ni Dominic sa right armrest ng chair ni Bea. Hindi magka-hol­ding hands pero sapat na ang gesture ng aktor para kiligin ng husto ang shippers nila.

May mga nagre-request ng video para lalo raw silang kiligin. May nag-comment namang hindi na siya makapaghintay na umamin na ang dalawa.

EZ Mil, kinukumpara kay Francis M.

This Sunday palang iwe-welcome si Richard Yap sa All-Out Sundays at umaasa ang fans ni Richard na hindi lang siya iinterbyuhin. Sana raw kumanta rin ang bagong Kapuso actor dahil alam nilang mahusay din itong kumanta.

In fairness, sunud-sunod nga ang guesting si Richard sa mga show ng GMA-7, hinihintay na siya sa Magpakailanman at sa Tadhana. Inaabangan na rin siya sa series nila ni Heart Evangelista na I Left My Heart in Sorsogon.

Isa pang guest sa All-Out Sundays ngayon ay ang sikat na sikat na Pinoy rapper ngayon na si Ez Mil o Ezekiel Miller na sikat na sikat ang mga rap song, lalo na ang Panalo na nang kantahin sa Wish USA, nakakuha ng 10M views.

Last time we checked, may 20M views na ang Panalo na na-i-LSS ang mga nakakarinig sa.

Nakukumpara si Ez kay Francis Magalona at sa song ni Francis na Mga Kababayan dahil pareho raw matindi ang dating at mabubuhay ang pagka-Pilipino ng mga makakarinig sa Panalo. Pakinggan n’yo ang song to feel the vibes.

vuukle comment

BEA ALONZO

DOMINIC ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with