^

Pang Movies

Dennis, naiba ang kuwento sa relasyon nina Julia at Gerald

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Philstar.com
Dennis, naiba ang kuwento sa relasyon nina Julia at Gerald
Julia at Gerald

Umatras yatang bigla si Dennis Padilla sa kanyang sinasabi tungkol sa relasyon ng kanyang anak na si Julia Barretto at Gerald Anderson. Kung natatandaan ninyo, noong una pa lamang na napag-uusapan ang mga bagay na iyan, nakapagbitaw ng statement si Dennis na nakausap niya sa telephone si Gerald. Inamin daw noon sa kanya na nililigawan si Julia, kaya pinaalalahanan niya na si Julia ay “anak ko iyan.”

Pero sa paglipas ng panahon, kahit na may lumalabas pang mga picture na si Julia at ang nanay niyang si Marjorie ay nakita sa resort na ang may-ari diumano ay si Gerald, ikinakaila pa rin nila ang relasyon. Hindi mo naman siguro sila masisisi dahil talagang matindi ang issue ng “ghosting” na ang lumalabas ay biktima si Bea Alonzo, at parehong naging masama ang image nina Julia at Gerald.

Malakas din kasi ang following ng love team noon nina Julia at Joshua Garcia, at natural hindi nagustuhan ng fans ang panliligaw ni Gerald kay Julia matapos na makipag-split sa dating ka-love team. Maraming fans ang mas kumampi kay Joshua, kaya mas umangat pa ang popularidad noon matapos ang split.

Ngayon, siguro napagsabihan na rin si Dennis na maki-ride on na lang muna dahil naapektuhan ang image ng anak niya, kaya biglang ang statement niya ay wala siyang alam, at hindi siya nakikialam sa love life ni Julia, tutal nasa tamang edad na iyon at makakapagdesisyon on her own.

Iyon na nga ang aasahan mo talagang mangyayari dahil kailangang medyo linisin na ang image ni Julia, at dahil nasa ilalim sila ng isang management company, aba kailangang makisama naman si Dennis.

Hintayin na lang natin kung ano ang magiging epekto ng mga bagay na iyan. In the meantime, may iba namang reaksiyon sa paglipat ni Julia ng management company dahil umalis sa management company na iyon ang kanyang tiyahing si Claudine Barretto. May pahapyaw na sinabi si Claudine na hindi naman natupad ang mga ipinangakong projects sa kanya, at gusto na niyang magtrabaho nang husto sa ngayon kaya siya lumipat ng mga manager.

Pero pahapyaw lang naman iyon.

Pamimirata ng mga pelikula, malabong kontrolin

May magagawa pa nga ba laban sa piracy? Mukhang wala na rin ngang magawa ang Optical Media Board dahil ang kanilang sistema ay na-overtake na ng teknolohiya. Kung noong araw na ang piracy ay nasa mga DVD lamang, hindi nila nagawang limasin, ngayon pa bang halos wala na nga ang DVD at ang nauuso ay download sa mga flash drive, at piracy sa social media?

Mahirap hulihin iyong nagda-download. Hindi mo maaaring kalikutin ang computer ng nasa isang mall maliban kung may search warrant kang mailalabas at kailangang sinasabi sa search warrant kung ano ang hinahanap mo. Kung pirate man iyon pero wala siyang title noong hinahanap mo, wala kang magagawa.

Oras na may makakuha ng download sa kanilang flash drive, na karaniwang walong pelikula sa isandaang piso lang ang singil, ina-upload naman nila iyan sa social media para mapanood ng “friends” nila nang libre. Ang mas matindi, iyong gumagawa ng alter account na ina-upload pa ang pelikula “for public viewing.”

Basta napirata na ang pelikula ngayon, ano man ang gawin mo, wala nang magbabayad sa iyo.

Hindi dapat nangyayari iyan. Hindi dapat sinasamantala ang piracy. Hindi dapat kinukunsinti. Pero ano nga ang magagawa mo eh pandemic. Natural ayaw nilang magbayad nang napakalaki kung mayroong libre.

Dapat ang mga producer, wala na nga silang hinahatiang sinehan, nakakalusot pa sila sa tax dahil internet nga lang iyan kaya ang tax ay kung magkano lang ang gusto nilang ideklara, huwag na silang maningil nang sobrang mahal na akala mo ginto ang pelikula nila. At saka papaano pa kung mabalitang hindi naman pala ginto kundi tanso lang?

Dating male star na pamilyado na, nagpapa-ayuda kay Direk

Tuwang-tuwa si direk. Dahil ang dating male star na nakarelasyon daw niya nang dalawang dekada halos, at nagkahiwalay sila tatlong taon na ang nakaraan dahil nag-asawa na iyon nang legal, muling tumawag sa kanya after three years. Wala raw kasing trabaho iyon at ang negosyo ay nalugi dahil sa pandemic. Ibig sabihin noon, siguro kailangan niya ulit ang “tulong” ni direk.

Pero si direk, happy pa rin kahit na nangangahulugan iyon ng malaking gastos sa kanya.

vuukle comment

DENNIS PADILLA

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with