^

Pang Movies

Vicki, nakakalaway ang mga bag na Hermes

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Ninakaw ang paboritong Hermes bag ni Dra. Vicki Belo nang magkaroon siya ng bag and closet tour sa kanyang YouTube channel.

Ayon kay Dra. Vicki, “I’ve been collecting Hermes for the last 20 years so matagal na rin po.”

Sa tanong kung ano ang pinakapaborito niya, “Actually ‘yung pinaka-favorite ko nawala, ninakaw.

“I don’t know who got it but it was black on black. It was a very special edition and it didn’t even have an orange box. It had black box. It was matte.”

Naku pasyalan ninyo ang vlog niya upang maglaway kayo sa luxury bags ni Dra. Belo, huh!

Glaiza, na-hold sa Abu Dhabi

Naiiyak si Glaiza de Castro kapag napag-uusapan ang fiancé niyang si David Rainey nang iwan niya ito sa Ireland.

Siyempre, kailangan nang bumalik sa trabaho ni Glaiza so iniwan niya si David. Mahigit isang buwan din kasi silang nagsama sa Ireland kung saan ginanap ang proposal nila at pre-nup shoots. “Ang saya-saya lang ng feeling tapos biglang babalik ka uli sa reality na wala na ulit. ‘Yung ganun.  Babalik uli kayo sa dati ninyong gawain,” halos naiiyak na sabi ni Glaiza sa 24 Oras.

Sa totoo lang, bago nakabalik ng bansa, na-hold si Glaiza sa Abu Dhabi airport dahil expired na ng dalawang oras ang swab test result niya.

Nagawan naman ng paraan ang problema at nakalipad paalis. Pero muli siyang na-hold sa ating airport kasama ang ilang OFW passengers.

Muling sumailalim, negative at nagpa-quarantine na.

vuukle comment

VICKI BELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with