^

Pang Movies

Frankie, ang taas ng dislike rating dahil sa bashers!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Ang daming bashers at haters ni Frankie Pangilinan, may nagkampanya na i-dislike ang guest performance niya sa Wish 107.5 na ayon sa nakita naming result, may 3K likes at 50 dislikes na. May nag-congratulate pa kay Frankie dahil 97.17 percent ang dislike rating niya.

Mukha namang hindi apektado si Frankie dahil tuloy ang pagko-comment sa government issues. Para rin ipakitang hindi siya napipikon sa bashings at negative comments sa kanya, ginamit niyang DP sa Twitter ang isa niyang meme na gawa ng mga hindi natutuwa sa kanya.

Ibinigay pa nga nito sa bashers niya sa kampo ng DDS ang link ng Spotify ng bago niyang song para raw hindi na mahirapan ang DDS sa paghahanap ng link. Sabihin din daw sa kanya kung gaano nila ka-hate ang song.

Hindi rin dinelete ni Frankie ang tweet niya tungkol kay President Rodrigo Duterte na may hawak na sample national ID. Akala ni Frankie, real ID ‘yun, pero sample ID lang, kaya na-bash na naman siya.

May tweet din si Frankie tungkol sa meme niya at may Duterte Youth member daw na in-explain sa kanya ang concept ng meme na ang feeling ni Frankie, sad attempt lang to bully her.

Heart, takot mamatay na mag-isa

Birthday ni Heart Evangelista sa February 14 at sa petsang ‘yun, 36 years old na siya. Nakakaranas yata ng birthday blues si Heart dahil pinost ang old photos niya mula noong baby pa siya hanggang ngayong Mrs. Escudero na siya.

May post pa ito sa kanyang IG Stories na “Yung gumising ka tapos 16 years na pala ang lumipas. Wow. Time flies... turning 36 soon...glad I took many pictures:) and a lot more in my head.

“And I plan to take many more pictures:) the turn of events, the reason of life is a mystery but there’s always a rhyme and reason:) life is beautiful. Ups and downs...”

Pinansin naman ng followers ni Heart ang emotional na sagot nito sa tanong kung ano ang biggest fear niya in life? “My husband would always tell me to be strong. He doesn’t baby me whatsoever because he would tell me he would go first... feel like crying everytime he says that... I know I will one day die alone...it’s my biggest fear but I know by that time I will be happy with all the memories I have and I will be stronger to face that one moment. I also know for a fact that panda promised me she will be there waiting for me so I won’t be scared.”

Ang Panda na tinukoy ni Heart ay ang aspin na kanyang alaga na mahal na mahal niya at parang baby kung kanyang ituring. In fact, apelyido nga nila ni Gov. Chiz ang dala ng aspin.

Dahil bawal ang mass gathering, tiyak na walang big birthday party si Heart at sila lang ni Gov. Chiz at mga anak nito at close family members ang kasama nila sa kanyang birthday.

Samantala, marami na ang naghihintay sa series na gagawin ni Heart sa GMA 7 dahil gusto nang mapanood ng fans ang pagiging fashionista ni Heart sa telebisyon. Maganda ang inilatag na story ng network sa I Left My Heart in Sorsogon.

John Lloyd at Sarah, may nakalinyang pelikula

Sa inilabas na list ng mga pelikulang gagawin ng ABS-CBN Films, kasama ang comeback movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Kasama rin ang photos nina Piolo Pascual at Claudine Barretto at may photos din nina John Lloyd at Sarah Geronimo.

Sabi ni Olive Lamasan, tuloy ang John Lloyd-Bea movie dahil alam niyang most anticipated movie ito ng moviegoers, kaya kanilang itutuloy. Naniniwala rin si Ms. Olive na nag-mature na ang aktor. First quarter of 2021 daw ito gagawin.

Tuwang-tuwa ang fans ni John Lloyd dahil kung matutuloy, two movies ang gagawin this year nito.

Kasama rin sa litrato si Janine Gutierrez na ibig sabihin, gagawa nga ito ng pelikula sa ABS-CBN Films, bagay na in-announce na noong pumirma siya ng kontrata sa ABS-CBN.

vuukle comment

FRANKIE PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with