^

Pang Movies

Santambak na sorry ni Jak kay Barbie, walang epekto!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Santambak na sorry ni Jak kay Barbie, walang epekto!
Jak at Barbie

Tagumpay ang prank ni Jak Roberto sa girlfriend na si Barbie Forteza dahil hindi talaga ito nahalata ng aktres.

Sa first vlog ng magdyowa ngayong 2021 na in-upload ni Jak sa kanyang YouTube, makikita na lokang-loka si Barbie sa ginagawa ng boyfriend.

Ang akala ni Barbie ay magsu-shoot sila ng mga TikTok dances ni Jak at wala siyang kamalay-malay na may ‘maitim’ palang balak ang boyfriend sa kanya.

“Akala niya simpleng vlog lang ‘to. Since ito nga ‘yung unang vlog nitong 2021, gusto kong lagyan ng twist. ‘Tong TikTok na gagawin naming dance cover, para mas maging interesting, parang gawin nating social experiment. Kapag nag-sorry ka ng 100 times, ano kayang magiging reaction ng girlfriend mo?” ang paliwanag ni Jak habang wala si Barbie.

At sinimulan na nga ni Jak ang 100x Sorry Challenge niya kay Barbie. Habang nagsasayaw sila ay makikita ngang panay ang paghingi ng “sorry” ng aktor sa GF. Nang matapos silang magsayaw ay umabot na sa 32x ang kanyang pagso-sorry.

Nagpatuloy pa ito nang nakaupo na sila’t nagtsitsikahan habang nag-e-edit si Barbie sa cellphone ng kanilang video.

Nang nasa ika-58 na si Jak ng kanyang “sorry,” nagtanong na si Barbie ng “bakit?”  Pero panay pa rin ang “sorry” ng aktor kaya paulit-ulit rin ang tanong ni Barbie ng “bakit nga?”

Tanong pa ni Barbie, “Na-delete mo ‘yung TikTok no?”

Paulit-ulit pa rin ang sorry ni Jak na hindi sinasabi kung bakit siya nagso-sorry.

“Okay, apology accepted, moving on, kung anuman ‘yan, may nabuntis ka man, hindi ko na alam bakit, eh,” sey ni Barbie.

Sa ika-86 sorry, tanong ni Barbie, “May babae ka?” Natawa si Jak.

Syempre, sa dulo, ipinaalam na ni Jak na prank lang ‘yun.

“Pero wala ka talagang kinaka-sorry?” tanong ni Barbie. “Wala!” sagot naman ni Jak.

Natuwa naman ang aktor na walang violent reaction ang girlfriend niya at hindi nag-isip ng masama sa kanya or kung may kasalanan siyang nagawa.

Sabi naman ni Barbie, hindi raw ang tipo ni Jak ang gagawa ng kung anu-anong kalokohan kaya kumpyansa naman siya na walang malaking kasalanan ang boyfriend na dapat ipag-sorry.

vuukle comment

JAK ROBERTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with