Claudine, bumalik na ang dating ganda
Bumalik na ang dating ganda ni Claudine Barretto.
Kahapon sa contract signing niya with Borracho Films ni Atty. Ferdinand Topacio panay ang upload ng kanyang fans sa latest photos niya.
Todo raw kasi ang ginawang pagda-diet ni Claudine.
Ito nga raw ang rason kaya nung minsan ay nilagnat na ang actress ayon kay Atty. Topacio.
Yup, super diet daw kasi ang ginawa ni Claudine, kaya nagkasakit.
Agad naman siya noong nagpa-swab at negative nga.
Handa na ang script ng comeback movie ni Claudine kay Atty. Topacio na ididirek ni Joel Lamangan.
Ilang beses na rin kasing naudlot ang comeback project ni Claudine.
Si Arnold Vegafria na rin ang bago niyang manager.
- Latest