^

Pang Movies

Derek at Ellen, papansin lang ba?

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Halatang nagpapapansin sina Derek Ramsay at Ellen Adarna na kunwaring sweet sila sa isa’t isa. Binuko ito ng mga tagahangang hindi naniniwala sa biglaang pagsusuyuan ng dalawang kahihiwalay lang sa karelasyon.

At hindi sang-ayon ang fans sa ganitong gimik na pagkatapos hiwalayan ang mga dating minamahal, ora mismo ay may kapalit na agad.

Well, hindi raw masisisi sina Ellen at Derek dahil mawawala sila sa circulation kapag hindi sila nag-ingay.

Hay naku, bawal na ang mga gimikan ngayong pandemyan.

Mikael, parang walang suklay

Biggest break ni Mikael Daez ang magandang role sa teleseryeng humahataw sa Kapuso network, Love Of My Life. Imagine, walang takot si Mikael na makipagbatuhan ng dialogue kay Ms. Coney Reyes. Black sheep ang papel ni Mikael at palaging kinokontra ng ina.

Masuwerte ang aktor dahil may kissing scene sa magagandang aktres na sina Carla Abellana at Rhian Ramos.

May nagtanong na fans na kung puwede raw kaya niyang regaluhan ng suklay ang aktor dahil sobrang haba at natatakpan na halos ang mukha ng buhok nito?

Bawal Judgmental, nagiging iyakan na

Ano ba iyan, parang Magpakailanman na ang peg ng Eat Bulaga dahil puro malulungkot na kuwento ang topic ng Bawal Judgmental.

Nawawalan daw tuloy ng gana ang ibang nanananghalian na nanonood dahil sa pag-iiyakan ng mga contestant ng show.

Oo nga naman, lunch time iyon, kailangan masaya at hindi puro iyakan.

Siguro nagkataon lang naman.

Macho Dancer, kailangan pa ng ingay

Nakakaalarma na malapit nang ipalabas ang Anak ng Macho Dancer pero parang bigla itong nawalan ng ingay. Bida si Sean de Guzman, ang baguhang aktor na discovery ng producer na si Joed Serrano. Sa rami ng applicants, si Sean ang napili ni direk Joel Lamangan para gumanap bilang anak ni Allan Paule.

Masuwerte ang binatilyong aktor dahil bukod sa cash, may premyo pang bahay. Wow, parang nanalo siya ng jackpot sa programang Wowowin.

Ang tanong: alam kaya ng fans na may pelikulang Macho Dancer? Naku sana naman.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with