^

Pang Movies

Mr. M, nagsalita sa pagkatsugi ng SNL

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kabilang sa mga nagulat sa pagkatsugi ng Sunday Noontime Live (SNL) sa TV5 ay ang mismong direktor na si Johnny “Mr. M” Manahan.

Si Mr. M, ang dating chairman emeritus ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN. Siya rin ang dating direktor ng ASAP Natin ‘To.

Noong i-launch ang SNL last October 18, 2020, si Mr. M ang kinuhang direktor at nag-resign ito sa kanyang posisyon sa ABS-CBN 2.

Ang SNL ay isang blocktimer show na iprinod­yus ng Brightlight Productions, na pag-aari ni dating Negros Occidental Representative Albee Benitez.

Bukod sa SNL, nagpaalam din sa ere ang gag show na Sunday Kada.

Dahil ilang dekada na sa mundo ng telebisyon si Mr. M, alam na niya ang mga dahilan kung bakit biglang natsutsugi ang isang TV show. Malaking dahilan daw ay ang pagkalugi ng producer.

“Usually, when they pull the plug, that means you’re not making enough money. They probably weren’t generating enough sales, that’s the main reason for shows to get cut. That’s probably what happened,” sey ni Mr. M.

Big surprise nga raw kay Mr. M ang biglang pagbabu sa ere ng SNL na nakakatatlong buwan pa lang sa ere. “I wish it had happened in another way. But it was kind of a surprise for us when all of a sudden, we were told that the show is being discontinued, and we just have to roll with the punches... on to the next project.”

Rochelle, pinakilig ang mister

Ang sweet lang ng mensahe ni former SexBomb girl Rochelle Pangilinan sa kanyang mister na si Arthur Solinap na nag-celebrate ng birthday last January 19.

Post ni Rochelle via Instagram: “Kaarawan ngayon ng “driver ni Pepito Manaloto”, “tatay ni Shiloh” at “asawa ni Rochelle Pangilinan yung dancer.” Anuman ang itawag nila sayo, ikaw ang nagiisang haligi ng aming tahanan ni Shiloh. Mahal na mahal ka namin Bhe! Simple man ngayon ang ating pagdiriwang alam kong punong puno naman ang puso mo ng kasiyahan at pagmamahal. Happy birthday!”

Kinasal sina Rochelle and Arthur noong August 8, 2017. Nagsimula ang love story nila noong nagkakilala sila sa series na Daisy Siyete.

Noong August 2020, naging simple lang ang third wedding anniversary dahil may quarantine pa that time.

Katy Perry at alagang aso, vegan na

Handa na raw si Katy Perry na maging 100 percent vegetarian.

Sa kanyang Twitter, in-announce ng singer ang kanyang transition to being a vegan. One year na raw siyang umiwas sa pagkain ng animal products. “95 percent ready to be 100 percent vegan,” tweet ni Katy.

Kasabay sa pagiging vegan ni Katy ay ang kanyang pet dog na si Nugget. Nag-invest ang singer sa plant-based meat brand Impossible Foods tulad nina Jay-Z, Serena Williams and Jaden Smith.

Noong buntis daw si Katy, tinigil niya ang pagkain ng red meat at nag-switch siya to a plant-based diet tulad nina Ariana Grande, Paul McCartney, Sia and Billie Eilish.

Ang fiance at baby daddy ni Katy na si Orlando Bloom ay matagal nang vegan at ito ang nag-encourage kay Katy na subukan ang plant-based diet.

Sa Instagram ni Katy, pinost nito ang isang vegan meal niya consisting of bowls of leafy greens, tofu, veggie sushi and mushrooms.

vuukle comment

JOHNNY MANAHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with