^

Pang Movies

Jaclyn, maligaya na ikakasal na si Andi

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Jaclyn, maligaya na ikakasal na si Andi
Jaclyn Jose

Pati si Jaclyn Jose kinu-congratulate ng kanyang mga kaibigan sa engagement ng anak na si Andi Eigenmann kay Philmar Alipayo. Pinost ni Jaclyn sa Instagram ang photo ni Andi sa first communion yata ni Andi at ang caption ay “Ang anak ko.”

Sinundan ‘yun ng isa pang post na “Ikakasal na happy nanay” at nakapag-comment tuloy si Sandy Andolong ng “Congratulations especially to the happy nanay.”

Sa mga nakaraang post ni Jaclyn, na-bash siya, but this time, puro positive ang comments sa veteran actress at ang madalas ipunto sa kanya ng netizens ay mabuti siyang ina kay Andi at sa anak pa niyang lalake. Ikinatuwa tiyak ni Jaclyn ang comment ng isang netizen na “You are the best nanay Andi could ask for, thank you for being a very supportive to your daughter’s decisions in life. You raised her in to being kind person and let her to be happy. Salute po. God bless.”

Samantala, bagay kina Andi at Philmar ang kanilang impromptu photoshoot dahil sa ilalim ng dagat, eh surfer si Philmar at beach baby din si Andi at na-influence ang mga anak.

AlDub fans, ‘di pa tapos sa ilusyon

Ang daming celebrities na bumati ng “Happy Anniversary” kina Arjo Atayde at Maine Mendoza na nag-celebrate ng second anniversary noong December 21. Kaya, nagtataka kami kung bakit may ilang AlDub fans na iginigiit na fake ang relasyon ng dalawa at edited ang mga litrato nila na inilabas mismo nina Maine at Arjo.

Hindi naman siguro babati ng happy anniversary sina Christine Babao, Bian­ca Umali, Maureen Wroblewitz, Kakai Bautista, director Chris Martinez, Mikee Quintos, Ms. Rhea Tan, Markki Stroem, Coleen Garcia, Regine Angeles, kung fake ang relasyon nina Maine at Arjo? Ano ‘yun, niloloko nila ang kanilang sarili?

May nag-comment pa na malabong sa Amanpulo nag-celebrate ng anniversary sina Maine at Arjo dahil bagyo raw sa Palawan that day, samantalang maaraw sa litrato nina Maine at Arjo.

Ang paniwala ng iba, old photo ang pinost ng couple at kung nasa Amanpulo man si Maine, hindi si Arjo ang kasama niya sa picture, ipinatong lang daw ang ulo ni Arjo sa litrato. Kahapon, nasa Eat Bulaga na si Maine.

Jennylyn, Gabbi at Alex, nagngitngit sa galit

Ang reaction nina Jennylyn Mercado, Gabbi Garcia at Alessandra de Rossi sa pamamaril at pagpatay ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Gregorio sa mga celebrity na nag-react ang pinakamatapang para sa amin.

Alessandra de Rossi: “Poor child, di naman nya alam ang difference ng FATHER, POLICEMAN at MAMAMATAY-TAO. Magkakaiba yun. Mara­ming mabuting ama at pulis. Ibang usapan yung 3rd. Hindi malinaw na tinuro sa kanya yun. Biktima din sya dahil mali ang alam nya, Heartbreaking. Sana may oras pa. Napakabrutal.”

Gabbi Garcia: “My FATHER IS A POLICEMAN” I hope your “policeman” father rots in jail. He is a murderer” at “ENOUGH. Came across the video and my heart is crying for the mother and son who died. ENOUGH. TAMA NA.”

Jennylyn Mercado: “How can some people forget how to be human?,” sinundan ng “Existing Homicide Charges” pero hinayaan maghawak ng baril. “One in 2019 and one last May”- isolated incident daw. Nakakatakot isipin paano kung walang video,” “Nakakalungkot na kasama na eto sa ating “new normal” at “Kung walang video na nakunan malalaman ba ng lahat ang tunay na nangyari? Magkakaroon ba ng ebidensya laban sa mali? Tapos wala pang body cam ang mga pulis. Nakakalungkot na our phones are now our source of protection from incidents like this. Paano yung mga hindi nakunan?”

Coney nagagalingan kina Carla at Rhian

Balik-telebisyon na simula sa December 28, ang Love of My Life,

isa sa mga teleserye ng GMA 7 na natigil ang airing dahil sa COVID-19 pandemic. Tapos na ang lock-in taping ng teleserye at nagpahayag ng separation anxiety ang cast na pinangunahan nina Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez at Coney Reyes.

Nag-post si Coney ng behind-the-scenes photos nila nina Carla at Rhian at ang sabi, “Happy to be working for the first time in a TV drama wirh Carla Abellana and Rhian Ramos. These two young actresses exhibit excellent work ethics and display remarkable acting skills. I would say they are underrated. Through time, I know they will get even better and shine even brighter! Such gems of GMA.”

Nagpasalamat si Rhian sa post ni Coney sa pagsasabing, “Oh wow! Thank you tita Coney, it’s such a blessing to be working with you.”

Walang nabanggit si Coney kung bakit may eksena sila ni Tom Rodriguez sa taping gayung patay na ang karakter ng aktor sa story bago magka-pandemic. Sabagay, malalaman na natin kung bakit nag-taping uli si Tom dahil airing na nga nang tuluy-tuloy ang teleserye hanggang sa ito’y magtapos.

vuukle comment

JACLYN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with