^

Pang Movies

Jinkee, hindi mahabol ng bashers

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Hindi na dapat pulaan si Jinkee Pacquiao sa paglalantad ng yaman nito, kesehodang mamahalin ang mga gamit niya kahit na panahon ng taghirap ngayon. Unang-una ay sariling pera niya naman ang pinambili niya ng mga ito at hindi galing sa taumbayan.

Ano nga ba ang magagawa natin kung afford niyang bilhin ang lahat ng gusto niya? Inggit lang daw kay Jinkee ang bashers, ayon sa fans ng wife ni Senator Manny Pacquiao.

Kasalanan nga ba niyang naging wife siya ng pamosong boxing champ at senator na malaki ang kita? Siyempre hindi.

Miggs, pabongga ang career

Apo ng dating singer na si Lily Campillos ang sumisikat na award-winning child actor na si Miggs Cuaderno kaya may pinagmanahan sa pagiging dugong showbiz ang masuwerteng batang nanalo ng best actor sa pelikulang Quick Change.

Ngayon ay kasali naman sa Metro Manila Film Festival ang movie niyang Magikland na dinirehe ng nasirang si director Peque Gallaga na katuwang si Direk Lore Reyes.

Naidirek na rin si Miggs ni Adolf Alix at Joel Lamangan. Alaga naman siya dati ng nasira na rin director na si Maryo delos Reyes.

Malaking tulong sa pagsikat ni Miggs ang maganda niyang mother na si Judy Chua na dating artista sa Kapuso. Tinuruan nito ng wastong pag-arte ang 16 years old na anak.

Talagang Miggs is making waves sa showbiz nowadays.

Mga artista, panay ang pamimigay ng tulong

Namigay ng ayuda si Glaiza de Castro sa Baler, Quezon, Tuguegarao at Cagayan. May resort pala siya sa Baler at nakita niya kung gaano kahirap ang dinanas ng mga biktima roon.

Namigay din sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ng mga pagkain, kumot at malinis na tubig sa Cagayan.

Si Jason Abalos naman ay sa halip na gastusin sa birthday celebration ay nagpadala ng clean water para sa maiinom ng mga taga-Cagayan.

Si Kuya Boy Abunda naman ay namigay sa Lipa, Batangas, samantalang si Piolo Pascual naman ay sa Tanauan.

Kay gandang tingnan na nagtutulungan ang mga artista para makapag-abot ng tulong sa mga nangangailangan.

Pero teka, bakit parang wala yatang mga pulitikong naliligaw para magbigay ng ayuda? Hindi ba dapat mas maging aktibo sila para sa nalalapit na eleksyon?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with