^

Pang Movies

Bato hindi nakaligtas sa virus, dobleng ingat mas kailangan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Naku ha, medyo luluwagan na ang mga health protocols, at luluwagan na rin ang mga paghihigpit sa mga puwedeng lumabas. Kaya dapat mas lalong maging maingat ang lahat para hindi na dumami pa ang biktima ng COVID-19.

Hayan nga pati sila Senator Bato de la Rosa ay biktima na, ang anak nila dahil sa kanilang katulong na nahawa raw sa parlor. Kaya dapat lalo pa tayong mag-ingat dahil nga maluwag na, mas malaki na ang tsansa na mas marami ang makahawa ng virus.

Basta lagi lang tayong magsuot ng face shield, face mask, walang tigil na paghuhugas ng kamay, social distancing dahil hindi natin alam kung sino ang carrier ng virus.

Let us be vigilant, pero enjoy the new ‘freedom.’

Beautederm, may portable skin lift 

Sa Tuesday ay sponsor na naman ng Take It… Per Minute Me Ganun ang Beautederm ng BFF natin Salve na si Rhea Tan.

Siguro ang product na ipapakita niya ay ‘yung portable skin lift para sa mukha. Bongga dahil portable siya at puwede nang dalhin kahit saan at talagang kailangan lalo na ng mga may edad na o maraming wrinkles sa face. Saka ang maganda ‘pag maaga mo siyang ginamit ay maiiwasan mo ang pagkakaroon ng wrinkles.

Maganda na laging dala ito ng mga babae dahil kahit nasa car, office o nasa bahay, basta fully charged siya, kaya nitong tulungan ang mukha para maging firm at hindi maging saggy ang balat.

Beautederm lang ang meron nito, kaya sa Beautederm lang mag-order. Sure ako, Salve, na ginagamit mo ito always kaya very firm ang balat mo sa face. Hahaha.

Bongga, Mama Rhea, talagang pioneer ka sa beauty.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with