^

Pang Movies

Daddy Dick ni Ice, kinaaaliwan ang outfit sa burol

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Bukas, ang huling burol ng ama ng singer-actor na si Ice Seguerra na si Daddy Dick (Decoroso Seguerra) na pumanaw sa edad na 77 noong nakaraang linggo, November 15, 12:05 ng tanghali dahil sa kanyang lingering illness ng prostate cancer na matagal din niyang nilabanan. Pero mapayapang namaalam si Daddy Dick dahil matagal-tagal din niyang naka-bonding ang kanyang asawang si Mommy Caring (79) at mga anak na sina Ice at Juan-C (Juan Carlos) maging ang partner ni Ice na si Liza Diño-Seguerra at anak nitong si Amara.

Si Daddy Dick ay kasalukuyang nakaburol sa Rm. 116 ng St. Peter’s Chapel along Quezon Avenue kanto ng Sct. Chuatoco in Quezon City.  Siya’y nakatakdang i-cremate bukas, sa ganap na alas-tres ng hapon.

Samantala, wala kaming nakitang malungkot sa
unang gabi ng burol ng ama ni Ice dahil bukod sa red roses ang mga bulaklak na nakapalibot sa casket ni Daddy Dick, suot nito ang kanyang paboritong black jacket at nakasuot din siya ng shades na parang isang rocker. “Ayaw kasi niya (Daddy Dick) ng malungkot,” paliwanag ni Mommy Caring.

Lahat ng sumisilip sa kabaong ni Daddy Dick ay natatawa at natutuwa sa halip na malungkot dahil sa kanyang get-up. Wala rin kaming naaninag na lungkot kina Mommy Caring, Ice at Juan-C at sa iba nilang mga kamag-anak sa paglisan ni Daddy Dick dahil matagal nila itong nakapiling noong ito’y buhay at  may sakit pa.

Tahimik pa rin...

Hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang kapwa Kapuso actors na sina Derek Ramsay at Andrea Torres tungkol sa napapabalitang breakup nila.

Sa simula pa lamang ng relasyon nina Derek at Andrea ay may mga nagsabi na na hindi umano tatagal ang relasyon ng dalawa. Ang pinakamatagal na nakarelasyon ng actor ay sina Angelica Panganiban at Joanne Villablanca na parehong tumagal ng mahigit limang taon. Ang pinaka-short lived romance ni Derek ay si Cristine Reyes na buwan lamang ang binilang.

Ang unang showbiz girlfriend ni Derek ay ang singer-actress at celebrity endorser na si Solenn Heussaff na may asawa’t anak na ngayon.

Kung matatandaan pa, Salve A., kasama pa noong April 2019 ni Derek ang ex-girlfriend niyang si Joanne Villablanca nang lumagda ang actor ng kontrata sa Kapuso network.  Pero the following month ay hiwalay na umano ang dalawa at ang itinurong dahilan ay si Andrea na nakapareha ni Derek sa TV series na The Better Woman kung saan gumanap sa dalawang character ang actress.

 Samantala, may mga nagsasabi rin na takot na umano si Derek sa salitang `kasal’ matapos mag-fail ang kanyang unang marriage sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly kung kanino siya may isang teen-age son na si Austin.

Si Austin ay nasa poder ngayon ni Derek at kasama niya sa kanyang bagong ipinatayong bahay sa isang exclusive subdivision in the South.

Koreanong tinulungan ni Ryan, nangakong babawi

Bukod sa ilang Filipino good Samaritan na tumulong sa 76 years old Korean national na inabutan ng lockdown sa Pilipinas at hindi na nakabalik ng South Korea dahil naubos na ang kanyang pera, hindi naiwasan ng Koreanong si Mr. Jang ang maiyak sa hindi inaasahang tulong na ibinigay sa kanya ng kababayang Koreano, ang Korean ex-PBB housemate-turned actor-comedian-host na si Ryan Bang.

Sinadya ni Ryan ang kinaroroonan ni Mr. Jang sa isang kalye ng Las Piñas City kung saan ito nagtitinda ng mga Korean ramen para personal na iabot sa kanya ang pera na gagamitin niyang pamasahe pabalik ng Korea.

Nangako si Mr. Jang na kapag nakabawi umano siya sa kanyang negosyo sa Korea ay muli siyang babalik ng Pilipinas at personal ding pasalamatan ang mga Filipino na tumulong sa kanya.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with