^

Pang Movies

Catriona nagpaliwanag sa biyahe sa Colombia kesa tumulong sa winasak ng mga kalamidad

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Catriona nagpaliwanag sa biyahe sa Colombia kesa tumulong sa winasak ng mga kalamidad
Catriona

Nagpaliwanag si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa punang inuna pa niya ang biyahe sa Colombia kesa tumulong sa mga nabiktima ng sunud-sunod na kalamidad sa kanyang sariling bayan.

Pinuna nga kasi ng ibang netizens na hindi bagay na panay ang post niya sa social media ng kanyang biyahe at pamamasyal sa Istanbul bago dumiretso sa Colombia para mag-judge sa Miss Universe Colombia.

Eh siya pa naman ang ambassador ng Red Cross na kabilang sa nangunguna sa pagtulong ngayon sa mga matinding sinalanta ng bagyong Ulysses at ang naunang bagyong Rolly. “This invitation was extended months ago and even though I’m away, I’ve been doing my part in working with @philredcross since the day of the typhoon to provide aid and relief to the affected areas. Thanks for your concern,” sagot  nito.

Saka may mga nagtanggol naman kay Catriona na hayaang ang national government ang gumawa ng kanilang trabaho.

Matapos ito ay nag-post siya ng video message para sa tulong sa relief operations ng Red Cross.“#Uly­ssesPH Relief @PhilRedCross. Any amount would be more than appreciated. Join me in supporting @philredcross Relief and Aid services for our kababayans. For donation details and more information visit redcross.org.ph/ulyssesph/.”

Kung sabagay, abang-abang kasi lahat ngayon sa mga post ng mga celebrity at lahat ay may comment.

Cremation ng nanay ni Angeline, natuloy na

Natuloy na ang cremation ng Mama Bob ni Angeline Quinto kahapon.

Supposedly ay noong Thursday ito, pero kasagsagan nga ng bagong Ulysses na nagpapahirap ngayon sa marami nating kababayan.

Almost a week ago nang bawian ng buhay ang nakagisnang mama ng teleserye theme song queen. 

Marian at Dingdong, Bea mabilis ang ayuda sa Marikina

Mabilis na naghanda ng relief goods ang mag-asawang Marian Rivera and Dingdong Dantes.

Sa tulong ng ini-endorse na supermarket ni Marian, nag-distribute si Dingdong sa Marikina ng tulong.

Si Dingdong din ang nangunguna sa organi­sasyong Aktor na aktibo ngayon sa pangangalap ng donations para makatulong sa libu-libong winasak ng sunud-sunod na kalamidad dulot ng climate change.

Kahapon din ay maagap si Bea Alonzo na namahagi ng relief goods, blankets, and hot meals sa Cainta at Marikina kasama ang kanyang grupong I Am Hope.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with