^

Pang Movies

James at Nadine, never naghiwalay

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
James at Nadine, never naghiwalay

Kung isa kayo sa naniwala sa kumalat na JaDine split noong nakaraang taon, eh di siguro isa kayo sa nagkakamot ng ulo ngayon. Bakit nga hindi eh lumalabas na si James Reid pa ang producer ng music video ni Nadine Lustre.

Pero inaasahan na naman namin iyan. Noong umalis pati si Nadine sa Viva, at sinasabi niyang gusto niyang siya na mismo ang dumiskarte sa kanyang career, hindi na kami naniwala. Ang totoo nahimok siyang sumama sa itinatag ni James na Reid Entertainment. Napaniwala rin siya na ang career niya ay mas gaganda kung mas mabibigyan niya ng oras ang music kaysa sa pelikula, after all masama nga naman ang resulta ng dalawa niyang huling pelikula.

Pero ang talagang punto roon, masyadong in love si Nadine kay James at hindi maaaring hindi siya sumama kahit na mangahulugan pa iyong lalabong lalo ang takbo ng kanyang career. Eh hindi ba iyon nga ang nangyari?

Ngayon, aywan namin kung ano nga ba ang kikitain ng recording na iyon ni Nadine. Bagsak naman kasi talaga ang industriya ng musika dahil sa matinding piracy. Basta may nakapag-download na ng kanta, kopyahan na iyan at wala nang magda-download ng legal.

Commercials bawal nga ba sa Channel 11?

Malamang na ang paulit-ulit na pagbanggit nilang napasara ang ABS-CBN dahil sa 70 congressmen, mukhang nakakasama sa kanila. Bumuwelta na naman ang mga congressman at ngayon ipinasisilip na sa National Telecommunications Commission ang kanilang naging deal sa Zoe Broadcasting. Inis ang mga congressman, dahil kahit na walang franchise ang ABS-CBN, back on air sila dahil sa blocktime agreement sa Zoe. Ang Zoe ay pag-aari ng Jesus Is Lord, na pinamamahalaan naman nina Congressman Eddie Villanueva, at ng kanyang anak na si Senator Joel Villanueva.

Ano ang butas sa nasabing deal? Nakalagay diumano sa franchise ng Zoe na binigyan sila ng karapatan bilang isang religious station. Kaya ang Zoe diumano ay non-commercial broadcast station, pero dahil sa deal sa ABS-CBN, lumalabas ang mga show na tadtad ng commercial. Bagama’t nauna na nila itong naipagamit sa QTV ng GMA.

Aktor na nakilala sa BL series, naisahan ng dating sikat na matinee idol na lihim ang kabadingan

Nagkita ang isang male star na lumalabas sa isang bading serye sa internet at isang dating sikat na matinee idol sa isang watering hole. Nagkukuwentuhan sila, at nang malasing na, nagulat ang male star ng bading serye nang sabihin ng dating sikat na matinee idol na mas magaling daw siyang humalik kaysa sa partner niya sa serye. Natulala ang male star, nang bigla siyang kabigin ng dating sikat na matinee idol at halikan bigla.                     

Hindi na siya kumibo dahil inisip niyang baka nga lasing lang at nagbibiro ang dating sikat na matinee idol, pero dahil sa hindi nga siya kumibo, inulit pa iyon ng dating sikat na matinee idol sa labas ng watering hole nang sila ay papauwi na. Nabuo tuloy sa isip ng male star na mukhang “bading nga ang dating sikat na matinee idol at noong gabing iyon ay naisahan siya.”

Baka naman nahawa na si dating sikat na matinee idol dahil sa rami ng mga bading na nakaka-date niya. Pero nakakahawa ba iyon. May swab test ba para roon?

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with